Sabi nila, ang kasal ang pinakamagandang araw sa buhay ng isang babae. Araw ng puting belo, mga bulaklak, at mga pangakong susumpaan habangbuhay. Araw ng dalawang taong nagmamahalan ng tunay.Ngunit para sa akin, ito ang araw ng pagkakakulong. Ang araw na tuluyang isinilid ako sa hawlang gawa sa ginto—kumikislap sa mata ng iba, ngunit sa loob ay puro kadiliman.Hindi ko siya pinili. Pinili siya ng sitwasyon, ng mga pangyayaring sumira sa buhay ko. Pinili siya ng utang na iniwan ng namatay kong pamilya. Pinili siya ng kompanyang halos gumuho na. Ako ang naging kabayaran. Ako ang naging kasunduan. Ako ang naging pag-aari. Ako ang naging kapalit.Damon Alexandrie Salvador..The wedding ceremony just ended. Nakatayo siya ngayon sa tabi ng bintana ng marangyang silid, hawak ang baso ng alak. Ang mga mata niyang malamig ay nakatuon sa akin, parang pinapako ako kung saan ako nakaupo.Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya. Para akong nasusunog sa bawat titig niya sa akin.Walang n
Última atualização : 2026-09-01 Ler mais