Lumipas ang ilang mga araw, linggo, buwan, at taon…naging mas cold si Yohan. Mas malamig pa sa yelo. Mula nang araw na iyon, kung saan huling nagkausap sila ni Crayne ay wala na siyang balita tungkol sa babae. Kahit sa kapatid niyang si Jessie, walang ibang sinabi bukod sa nalaman nitong nasa ibang bansa na nakatira si Crayne.Mula ng araw na iyon, namanhid na ang puso ni Yohan. Dahil sa ikalawang pagkakataon, naiwan na naman siyang luhaan. Sa ikalawang pagkakataon, nasaktan na naman siya dahil sa pag-ibig. And this time, it was his fault. There's no one to blame but himself.He's too late to realize his feelings for her.Kung saan wala nang interes si Crayne sa kaniya, saka naman niya napagtanto ang totoong nararamdaman niya sa asawa.“Ma’am, huwag po kayong pumasok. Busy pa po si Sir, ayaw niya po ng iniisturbo siya!” ang boses secretary ni Yohan na pinipigilan si Halle na pumasok sa kaniyang opisina subalit nakapasok na ito.Hindi nag-abalang mag-angat ng tingin si Yohan. Nanatil
최신 업데이트 : 2026-10-10 더 보기