Eksaktong alas-singko ng hapon, nakasandal si Rafael sa pinto ng kanyang inarkilang itim na sports car na nakaparada sa tapat ng L'Aurore Café. Nakapamulsa siya, ang mga mata ay nasa loob ng salamin ng establisyemento habang pinapanood si Clara na nagpupunas ng mga mesa at nag-aayos ng mga upuan.Napangiti si Rafael. Sanay siyang naghihintay ang mga babae sa kanya. Sanay siyang siya ang hinahabol at inaalok ng oras. Ngunit ngayon, narito siya, naghihintay sa labas ng isang maliit na café sa probinsya para sa isang babaeng malinaw na iniiwasan siya.Nang bumukas ang glass door, lumabas si Clara. Wala na ang apron nito. Nakasuot na lamang ang babae ng isang simpleng puting blouse, maong na pantalon, at puting sneakers. May hawak itong maliit na sling bag. Nang makita siya nitong naghihintay talaga, napahinto ito at napabuntong-hininga.Naglakad si Rafael papalapit, ang pilyong ngiti ay hindi nawawala sa kanyang mga labi. "You're exactly on time. I like that."Umiwas ng tingin si Clara,
Última atualização : 2026-09-13 Ler mais