Alas-sais pa lamang ng umaga, ngunit gising na gising na si Rafael.Nakatayo ang bilyonaryo sa harap ng malawak na floor-to-ceiling glass window ng kanyang pribadong penthouse sa Makati, hawak ang isang tablet sa kanyang kaliwang kamay at isang tasa ng mainit na kape sa kanan. Sa ibaba, nagsisimula na ang walang-katapusang pag-ikot ng buhay sa Maynila, ang matinding trapiko, ang mga nag-uunahang tao, at ang ingay ng syudad na minsang naging buong mundo niya.Ngunit ngayon, ang atensyon ni Rafael ay nakatutok sa screen ng kanyang tablet.“LM Holdings Heir Rafael Magalona Steps Down from European Operations. Is the Billionaire Playboy Finally Tying the Knot?”“The Queen of the South: Who is the Mystery Woman Behind Rafael Magalona’s Sudden Move to Cebu?”Nag-scroll si Rafael sa iba’t ibang major news portals at social media sites. Tulad ng ipinangako ni Lorenz, eksaktong alas-singko ng madaling araw inilabas ng PR team ng LM Holdings ang pormal na pahayag. Naging mabilis na parang apoy
آخر تحديث : 2026-09-16 اقرأ المزيد