Nakaupo si Patricia sa veranda habang humihigop ng tsaa, pinagmamasdan si Lorenz at si Leon na naglalaro sa malawak na damuhan. Hinahabol ng asawa niya ang kanilang anak na tuwang-tuwang tumatakbo habang yakap ang isang malaking stuffed toy.Ang payapang tanawin ay naputol nang dumating si Marcus. Pormal itong naglakad patungo sa veranda, may hawak na isang manipis na brown envelope.Nang makita ni Lorenz ang kanyang kanang-kamay, ibinigay nito si Leon sa yaya at naglakad paakyat ng veranda, pinupunasan ang pawis sa leeg."Ano 'yan, Marcus?" seryosong tanong ni Lorenz, awtomatikong tumabi kay Patricia at ipinatong ang isang kamay sa sandalan ng upuan ng asawa."Dumating na po ang desisyon ng Korte Suprema, Sir, Madam," pormal na anunsyo ni Marcus, inilalapag ang envelope sa maliit na lamesa sa harap nila. "Tungkol po sa huling appeal ni Joel para mapababa ang sentensya niya."Natigilan si Patricia. Kahit matagal na niyang ibinaon sa limot ang nakaraan, ang pangalan ng kanyang dating a
Última actualización : 2026-09-10 Leer más