Dalawang araw matapos ang hindi inaasahang pagbisita ni Rafael, naging abala ang buong study room ng Magalona Estate. Naging command center ito ng LM Holdings. Mula sa malalaking monitor sa pader hanggang sa mga nakakalat na asul na blueprints at financial reports sa ibabaw ng mahogany desk, malinaw na nagsimula na ang digmaan.Nakatayo si Lorenz sa harap ng bintana, may hawak na baso ng scotch. Nakasuot lamang ito ng itim na slacks at puting button-down shirt na nakabukas ang unang tatlong butones. Ang panga nito ay matigas, at ang mga mata ay kasing-lamig ng yelo habang nakikinig kay Rafael na nakaupo sa leather couch, may hawak na tablet."Nakuha na natin ang majority ng board sa Singapore, Lorenz," nakangising ulat ni Rafael, ininom ang sariling alak. "Hindi nila inaasahan na bibilhin natin ang mga shares ng kalaban nilang kumpanya. Ngayon, ang pamilya ni Valerie ang naiipit. Kapag hindi nila inaprubahan ang expansion natin, sila ang malulugi ng bilyun-bilyon.""Hindi sapat na mal
Última actualización : 2026-09-11 Leer más