Pagbalik nila sa penthouse mula sa patahian, mabilis na nagkulong si Marcus sa loob ng kanyang opisina. Naiwan si Trisha sa kusina, nakatulala sa hawak niyang baso ng tubig habang pilit na pinapakalma ang sariling sistema.Hanggang ngayon, ramdam pa rin ng kanyang mga nanginginig na daliri ang tigas ng abs ng bilyonaryo. Naririnig pa rin niya ang mababa at nagbabantang boses nito sa kanyang tainga. Kung hindi ko alam na may utang akong isang milyon sa taong 'yon, iisipin kong may gusto siya sa akin, bulong ni Trisha sa sarili, bago marahas na umiling. Asa ka pa, Trisha! Tingin nga no'n sa'yo, aso na taga-timpla ng kape!Eksaktong alas-kwatro ng hapon nang tumunog ang intercom ng penthouse.Lumabas si Marcus mula sa opisina nito. Suot pa rin nito ang puting dress shirt, ngunit ang mga butones sa itaas ay nakabukas na, inilalantad ang kaunting bahagi ng matipuno nitong dibdib."Miss Mayumi. Get the delivery at the door," malamig na utos ni Marcus habang naglalakad patungo sa mini-bar up
Last Updated : 2026-09-18 Read more