THE FIRST STEPMaaga pa nang magising si Elise kinabukasan. Naalala niya agad ang bilin ni Belle na dumaan muna sa bahay nila bago pumunta sa interview para maiwan si Hope sa mga magulang nito. May pasok si Belle nang umaga, kaya nauna na siyang naghanda ng mga gamit ng anak—gatas, bote, ilang damit, diapers, wipes, bib at iba pang kailangan nito habang wala siya.Mabilis niyang chineck ang maliit na bag ni Hope bago ito isinara. Habang ginagawa iyon, hindi niya maiwasang mapangiti nang bahagya. Nang umalis siya sa bahay nila, kakaunti lamang ang nadala niyang gamit, pero dahil kay Belle, unti-unti nang nadagdagan ang mga pangangailangan ni Hope. Hindi kailanman ipinadama ng kaibigan na may utang siya rito; puro mga bagay na kailangan talaga ng bata ang ibinibigay nito. Kaya kahit nahihiya siya minsan, malaki ang pasasalamat ni Elise.Pagkatapos, saka siya nagbihis.Isinuot niya ang blouse at structured trousers na ipinahiram ni Belle, kasama ang simple at komportableng sapatos. Profe
Huling Na-update : 2026-10-08 Magbasa pa