THE VOICE BEHIND THE NAMEPagdating ni Elise sa bahay, halos hatinggabi na. Pagod siya matapos ang mahabang araw sa ER Properties, pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya habang inaalala ang mga nangyari sa company event.Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Ate Gina sa sala, inaayos ang ilang gamit bago magpahinga.“Elise, nakauwi ka na pala.” Lumingon si Ate Gina at ngumiti. “Kumusta ang event?”Hinubad ni Elise ang sapatos at marahang minasahe ang sakong niya. “Ate Gina, ang daming nangyari ngayong araw. Pero alam mo ba kung ano ang highlight nito?”“Ano naman iyon?” tanong ni Ate Gina, natatawa sa pananabik niya.“Na-promote ako, Ate!”Napangiti nang malaki si Ate Gina. “Talaga? Ay, congratulations! Deserve mo 'yan, Elise. Alam kong pinaghirapan mo ang trabaho mo. Masaya ako para sa'yo.”“Thank you, Ate Gina!” Masayang ngumiti si Elise, pero agad ding napahikab. “Kwento ko na lang bukas sa'yo, Ate. Medyo gusto ko na ring magpahinga. Pagod na rin ako, tapos tulog na si
Huling Na-update : 2026-10-22 Magbasa pa