A DISTANT HEARTPagdating ni Jason sa bahay kasama si Mia, agad silang sinalubong ng mama niya na abala sa pag-aayos ng hapag-kainan.“Mia, hija, sakto ang dating ninyo. Halika na, nakahanda na ang dinner,” masayang sabi nito, saka lumapit para halikan sa pisngi ang dalaga.“Amoy pa lang po, nagugutom na ako, Tita,” natatawang sagot ni Mia habang sumisilip sa mga pagkaing nakahain.“E di mabuti! Alam mo namang hindi kita pagtitipid sa pagkain dito.” Hinila siya nito papunta sa dining area bago lumingon kay Jason. “Ikaw rin, anak. Maupo ka na.”Tahimik na sumunod si Jason. Habang masayang nagkukuwentuhan ang dalawa tungkol sa mga nangyari sa maghapon, halos hindi siya makasabay. Paminsan-minsan ay sumasagot siya kapag kinakausap, pero agad ding bumabalik ang tingin niya sa plato.Napansin iyon ni Mia. Sanay siyang makitang tahimik si Jason kapag pagod, pero iba ang katahimikan nito ngayong gabi. Para bang may iniisip itong hindi kayang alisin sa isip kahit pilitin nitong makisabay sa u
Huling Na-update : 2026-10-17 Magbasa pa