A FAMILIAR STRANGERTahimik na naupo si Elise sa harap ng desk ni Elaine Rivera. Kahit pilit niyang pinananatiling kalmado ang sarili, hindi niya maiwasang kabahan. Hindi araw-araw na nakakaharap niya ang isang executive vice president, lalo na ang isang babaeng may ganoong klaseng presensya.Maayos ang medium-length na buhok ni Elaine, at bagay na bagay sa kanya ang suot nitong blazer. Bata pa ito sa tingin ni Elise, pero halatang sanay nang humawak ng responsibilidad. Maingat ang bawat kilos nito, at kahit nakangiti, nanatili ang professional nitong dating.“Please, have a seat, Elise,” sabi ni Elaine habang itinuturo ang upuan sa harap ng desk niya.“Thank you, Ma'am.”Sandaling inayos ni Elaine ang ilang dokumento bago tumingin sa kanya. “How was your first day? I hope you're settling in well.”Bahagyang nagulat si Elise. Inaasahan niyang may partikular na concern tungkol sa trabaho niya, pero mukhang simpleng kumustahan lamang ang pakay ng executive.“Okay naman po, Ma'am. I'm st
Huling Na-update : 2026-10-13 Magbasa pa