"Home isn't always the place you left. Sometimes... it's the person who's still waiting for you."******ELLEN'S POV :Hindi naging madali yung mga sumunod na araw pagkatapos mag-viral nung kiss photo namin ni Westley.As in, hindi talaga. Akala ko dati pag nagka-issue ka sa office, isang linggo lang tapos makakalimutan na ng tao. Pero hindi pala pag CEO yung ka-issue mo.Paglabas mo ng building, may reporter agad sa harap na nakaabang. Pagpunta mo ng parking lot, may vlogger na may ring light na nagla-live pa. Pati sa TikTok, may mga content creator na gumagawa ng kwento na kesyo ako daw si Cinderella na secret secretary, ako daw yung mang-aagaw kay Tiffany, ako daw yung bagong Mrs. Vidal na wala pang singsing.Gold digger. Secretary lang naman. Mang-aagaw. Future Mrs. Vidal na mukhang kawawa.Lahat na yata ng bansag sa mundo, naibigay na sa akin in just 3 days. Kung may award lang for most-bashed employee, ako na yun.Pero honestly, hindi yun yung pinaka-gumugulo sa utak ko ngayo
Last Updated : 2026-10-15 Read more