"Sometimes the best memories begin with a trip... and the biggest heartbreak starts with a smile."*****Lumipas halos tatlong oras na biyahe bago tuluyang pumasok convoy ng Vidal Holdings sa pribadong beach resort sa Batangas.Mula pa lang sa entrance, halos mapasinghap lahat. Matatayog na puno ng niyog, puting buhangin, kristal na tubig, infinity pool na tila dumudugtong sa dagat, at mga pribadong villa na nakahilera sa tabing-dagat."Grabeee!""Ang ganda!""Parang nasa Bali!"Sunod-sunod sigawan ng mga empleyado habang bumababa sa mga bus. May nagla-live agad, may nagvi-video, may nagpapakuha ng litrato.Samantalang si Ellen, may hawak nang clipboard."Sir Noel, doon po ang Sales. Marketing, Villa Three. Accounting, Villa Four. Engineering, doon po sa kabilang wing," sunod-sunod niya.Mabilis. Organisado. Walang nagtatanong nang dalawang beses. Halatang kabisado niya buong itinerary.Napailing si Anthony habang pinagmamasdan siya. Lumapit siya kay Westley."Boss... hindi secretary
Last Updated : 2026-09-26 Read more