Tatlong araw.Tatlong araw nang laman ng usapan sa buong Vidal Holdings ang tungkol kay Ellen. Hindi man direktang sinabi ni Westley na sila na, sapat na ang ginawa nitong pag-amin sa lobby para magliyab ang tsismis sa bawat floor."Nililigawan daw ni CEO si Miss Ellen," bulong ng isang staff galing HR habang naghihintay ng elevator."Secretary lang yun, bakit siya?" sagot ng kasama niya."Hindi naman sila bagay," singit nung isa pang babae."Ang ganda sana ni Sir Westley... kaso yung secretary..." dagdag ng babae sa marketing."Mukhang librarian," sabi ng isa."Parang high school student," sagot ng isa pa."Sayang naman," bulong ng huli.Hindi alam ni Ellen kung alin ang mas masakit. Yung naririnig niyang pambabastos o yung katotohanang may parte ng sarili niyang sumasang-ayon sa sinasabi nila.Tahimik siyang naglalakad papunta sa pantry, hawak ang puting mug niya, nang marinig niya ulit ang pamilyar na mga boses sa loob."Kung ako si Sir Westley, model kukunin ko," sabi ng isang bab
Last Updated : 2026-10-03 Read more