ELLEN'S POV ; Pagkatapos ng halik namin sa parking, hindi kami umuwi agad. Nasa biyahe na kami, hawak pa rin ni Westley ang kamay ko habang nagda-drive. Mahigpit, na parang ayaw na akong pakawalan. "Sa akin ka na muna matulog ngayong gabi," sabi niya, hindi na nagtanong kung okay lang ba. Diretso pero nag-aalala ang boses. "Delikado na yung litratong kumalat kanina. Ayokong mag-isa ka sa condo mo ngayon." Hindi na ako tumanggi. Pagod na talaga ako. Pagod kakaisip sa mga tsismis, sa tingin ng mga tao, sa lahat ng nangyari sa buong linggo. Pagdating namin sa penthouse niya, tahimik ang buong unit. Malamig ang aircon. Yung ilaw lang sa sala ang bukas, warm light. Amoy pabango niya sa buong paligid, yung amoy na nakasanayan ko na sa office. "Gusto mo ng tubig?" tanong ni Westley pagkasara niya ng p***o. Umiling ako at nilapag ang bag ko sa sofa. "Gusto ko lang huminga saglit." Lumapit siya at walang salitang hinaplos niya ang likod ko, taas baba. Doon ko lang naramdaman na nangingi
Last Updated : 2026-10-10 Read more