"Anthony." Napalingon si Anthony mula sa mesa niya. May hawak na laptop at kape. "Yes, Sir?" sagot ni Anthony kay Ethan na kakalabas lang ng glass office. "In five minutes, lahat ng department heads nasa boardroom. Lahat. Walang exception," utos ni Ethan. Seryoso ang mukha, hawak ang isang tablet. "Copy, Sir," sagot ni Anthony. Hindi na nagtanong pa si Anthony. Sanay na siya sa ganitong tono. Kapag ganoon ang boses ni Ethan, ibig sabihin may malaking problema na kailangang ayusin agad. Eksaktong limang minuto ang lumipas. Halos puno na ang boardroom. Nandoon ang Operations, Logistics, Finance, Engineering, Marketing, Legal. Pati si Alyannah, nakaupo sa gilid malapit sa p***o bilang secretary, handang mag-minutes. Hawak niya ang laptop at notebook. Sa malaking screen sa unahan ng boardroom, lumabas ang isang mapa ng Southern Luzon. May pulang marka sa South Port. Ethan tumayo sa unahan. Suot ang black suit, walang ngiti. "One of our export shipments has been delayed for forty-ei
Last Updated : 2026-09-16 Read more