Pagkabukas pa lang ng elevator sa 28th floor, sinalubong na si Nadine ng tawanan at bulungan mula sa marketing department. Hindi niya agad pinansin. Inayos niya ang strap ng bag niya at dumiretso sa mesa niya sa gilid ng executive hall. Binaba ang bag, binuksan ang laptop, at nag-log in. "Good morning, Ma'am Nadine," bati ni Karen na receptionist. Lumapit at nag-abot ng tatlong folders na may sticky notes. "Good morning, Karen," sagot ni Nadine. Kinuha ang folders. "May nagpapahanap po sa inyo kanina, Ma'am," sabi ni Karen habang nakangiti nang alanganin. "Sino naghanap?" tanong ni Nadine. Nag-angat ng tingin. "Basta gwapo daw," sagot ni Karen. "Ha? Sino?" tanong ni Nadine. Kumunot ang noo. "Joke lang, Ma'am!" Biglang bawi ni Karen at tumawa nang malakas bago tumakbo pabalik sa reception desk. "Baliw ka talaga, Karen," sabi ni Nadine. Napailing at napangiti na rin. Hindi pa man siya nakaka-type ng password sa computer, may naglapag ng maliit na paper bag sa mesa niy
Last Updated : 2026-09-19 Read more