Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa Security Office na si Marco. Hindi na siya dumaan sa executive floor para walang makapansin na wala siya sa mesa niya. "Attorney, maaga kayo ah," bati ng guard na kagabi rin ang kausap niya. Inilapag ni Marco ang folder na may pirma ng Legal Head. "Request from Legal, authorized by Mr. De Vega. Full access sa lahat ng cameras sa executive floor for the last two weeks. May iniimbestigahan lang kaming policy violation sa document handling." Binuksan ng guard ang drives. Camera 1, Camera 2, Camera 3, Camera 4, pati yung nasa pantry at yung nakatutok sa p***o ng CEO office. "May blind spot ang Camera 2," sabi ni Marco habang pinapanood ang timeline noong May 6, araw na nawala ang relo ni Ethan. "Dito, bandang cabinet, hindi kita ang mukha ng pumapasok sa CEO office. Pero may reflection ang Camera 4 sa glass door." In-zoom ng guard ang reflection. Malabo pero kita ang oras: 5:17 PM. May pumasok. Sa logbook ng araw na yun, 5:03 PM pa lang nakalabas na
Last Updated : 2026-09-26 Read more