"I don't think they look good together, Krystal, hindi sila bagay."Napangiti si Krystal habang naglalakad sa parking lot ng restaurant kasama si Ethan. Nasa likuran nila sina Marco at Nadine na naglalakad din papunta sa kani-kanilang sasakyan."Oh? At bakit hindi sila bagay, Ethan?" tanong ni Krystal na mahinahon ang boses at may ngiti.Hindi agad sumagot si Ethan habang binubuksan ang pinto ng sasakyan niya."I just don't think they look good together, Krystal," sagot ni Ethan na maikli.Hindi na siya nagpaliwanag pa kay Krystal. Pero sapat na ang tatlong salitang iyon para makumpirma ni Krystal ang matagal na niyang hinihinala sa loob ng ilang linggo. Nagseselos si Ethan kay Marco tuwing kasama si Nadine.Kinabukasan, Monday morning sa De Vega Tower, pagpasok ni Alyannah sa executive floor bandang alas syete ay sinalubong siya agad ni Cynthia na may hawak na tablet."Nadine, ipina-reschedule ni Sir Ethan ang buong schedule niya ngayong umaga," sabi ni Cynthia."Kailan po naka-resch
Última actualización : 2026-10-26 Leer más