Isang Buwan Na Hindi NagkitaAraw-araw sa Manila, sinubukan kong kalimutan si Ninong Alonzo.*Unang Linggo sa Cubao.*Pagbaba ko ng bus sa Cubao galing Tagaytay, alas-otso ng umaga, maulan pa rin, dala ko yung maleta kong maliit at yung gray hoodie niya na hindi ko sinoli. Sabi ko isang buwan lang na hindi magkikita, pero hindi ko sinabing isosoli ko agad hoodie niya. Gusto ko may maiwan sa akin na amoy siya.Pagpasok ko sa apartment kong studio na maliit, na may isang bintana lang na kita yung billboard ng EDSA, binuksan ko agad electric fan kasi ang init sa Manila kumpara sa Tagaytay. Tahimik. Walang nagtatanong kung kumain na ako. Walang nagsasabi na mag-jacket ako. Walang amoy ng kape na siya nagtimpla.Unang gabi, hindi ako makatulog. Sanay ako sa Tagaytay na malamig at may kuliglig. Dito sa Cubao, jeep at tricycle lang naririnig. Binuksan ko phone ko, tiningnan chat namin. Huling chat: *Ninong Alonzo: Nakarating ka na, Bunso? Mag-ingat ka dyan. Kumain ka.* Seen ko pero hindi ko
Last Updated : 2026-09-26 Read more