After nung araw na kumain sya ng panis na adobo sa ilalim ng table, naging routine na namin yun.Ako taga salo ng tulo ng aircon, taga abot ng black na kape. Sya, taga drawing ng building na puro glass.Every morning, 6am, ako unang dumarating sa site office. Wala pa si Ate Gina, wala pa si Reese. Ako lang at yung balde na puno na naman ng tubig galing sa aircon sa magdamag. _Tok, tok, tok._ Kahit gabi tumutulo pa rin pala sya.Tapos darating si Caleb, laging 6:30, naka white polo ulit na malinis, pero may dalang dalawang kape na black. Isa sa kanya, isa para sakin kahit di naman ako nagkakape dati."Amara, black," sabi nya, nilalapag sa table ko na maliit lang na plywood.Mapait. Sobrang pait nung una, parang sinabuyan ng lupa. Pero ininom ko pa rin kasi libre eh. At saka bigay nya.Isang umaga, habang nakaupo ako sa may table ko, dumating si Reese. Maaga din sya, naka white dress na naman, mabango. May dala syang paper bag na may logo ng mamahaling tindahan."Amara, for you," sabi n
Huling Na-update : 2026-09-09 Magbasa pa