"Huwag kayong lalapit," ulit ng lalaki, hawak pa rin ang kutsilyo malapit sa leeg ni Ruben na nakadapa sa sahig. "Ibigay niyo lang sa akin ang gintong USB, at hahayaan ko na lang mabuhay ang matandang ito." My hands were shaking, pero hindi ko na alam kung takot ba 'to o galit. Hawak ko pa rin nang mahigpit ang USB sa bulsa ng jacket ko, at ang tanging naiisip ko, hindi ko puwedeng ibigay ito nang basta-basta,pero hindi ko rin puwedeng ipagsapalaran ang buhay ni Papa. "Sino ka ba talaga?" sigaw ni Sandy, isang hakbang papalapit, mahigpit ang katawan niya, ready to lunge kung kinakailangan. "Hindi importante 'yan ngayon," sagot ng lalaki, mas matigas na ang boses. "Ang importante, may limang segundo lang ako bago dumating ang security. Ibigay mo na, Charlotte." "Papa," bulong ko, luha na bumabagsak, "okay ka lang?" Marahang tumango si Ruben, kahit dumadaloy pa rin ang dugo mula sa noo niya. "Anak, huwag mo... huwag mo siyang bigyan. Kahit ano pa mangyari sa akin," "Tumahimik ka,"
Last Updated : 2026-09-19 Read more