Alas-otso ng gabi, nakatayo kami ni Sandy sa harap ng isang lumang bodega sa Pier 15, ng Tondo lugar na kilalang kilala ko dahil dito ako lumaki, ilang kalye lang mula sa karinderya ni Aling Nena. "Charlotte, hindi pa huli ang lahat," sabi ni Sandy, hawak ang aking kamay bago kami pumasok. "Kung gusto mong umatras, okay lang." Umiling ako. "Hindi ako aatras, Sandy. Kailangan nating iligtas si Ramos, at kailangan kong malaman ang totoo. Kahit ano pa 'yun." Hawak namin ang USB kopya lang, dahil dala rin namin ang orihinal sa isang secure na lugar, ayon sa payo ni Atty. Fernandez ,pumasok kami sa loob ng bodega, madilim, amoy alat at basang tabla. Sa gitna ng bodega, nakatali si Ricardo Ramos sa isang silya, mata niya may pasa, pero buhay pa naman. Sa paligid niya, tatlong lalaking naka maskara, hawak ang mga baril, at sa harap nila, isang lalaki, mas mataas kaysa sa iba, naka-itim na jacket, mukha nakatago sa ilalim ng cap. "Maligayang pagdating, Sandy,Charlotte," sabi ng lala
Last Updated : 2026-09-21 Read more