Nag-init siya sa microwave ng dalawang plato ng pagkain, kapareho ng mga nakahandang pagkaing iniimbak ng kusina ng hotel sa refrigerator, at inilagay ang mga iyon sa mesa. Umupo kami. Kinuha niya ang tinidor, at pinanood ko siyang subukang gamitin ang nasugatan niyang braso bago niya muling ibaba iyon."Masakit ba ang braso mo?" maingat na tanong ko."Hindi naman. Okay lang ‘to, malayo sa bituka.”Napairap na lang ako sa hangin. "Wait, ibaba mo nga iyang tinidor.”Tumingin siya sa akin. “Bakit?”"Ako na ang magpapakain sa iyo," sabi ko.Ngumiti siya, mabagal ngunit sincere, tapos iniabot niya sa akin ang tinidor. Sinubuan ko siya. Dapat mailang ako sa ginagawa, pero hindi ko naramdaman ‘yon. Well, ‘yon mismo ang naging problema. Patuloy niya akong tinitingnan habang pinapakain ko siya, taglay ang matatag at hindi nagmamadaling atensiyong iyon. Samantala, nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa pagkain habang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong walang anumang espesyal sa pagpapak
Last Updated : 2026-10-21 Read more