Ilang araw matapos ang appointment nila sa clinic, nagsimulang mapansin ni Cece ang pagbabago kay Sugar. Dati, kapag may pupuntahan si Sugar pagkatapos ng trabaho, sinasabi niya agad kung saan siya pupunta. Kahit simpleng grocery lang, quick dinner, o pagpunta sa hospital para bisitahin ang kanilang ina, alam ni Cece. Pero nitong mga nakaraang araw, palagi na itong may dahilan para umalis. Minsan, bigla itong tatawag sa kalagitnaan ng trabaho at sasabihing may kailangan siyang asikasuhin. Minsan naman, makikita ni Cece na nakatitig ito sa cellphone at tila may hinihintay na message. Hindi niya alam pero ramdam niyang busy na busy si Sugar at may hindi ito sinasabi sa kanya. Noong una, hinayaan lang iyon ni Cece. Alam niyang maraming iniisip si Sugar dahil sa kondisyon ng kanyang ina. Inintindi na lang niya ang kaibigan niya. Pero habang tumatagal, hindi na ni
Última actualización : 2026-10-04 Leer más