Ilang araw matapos ang medical evaluation nina Sugar at Alejandro, nakatanggap si Alejandro ng tawag mula sa kanyang ina. Hindi pa nga niya agad nasagot iyon dahil marami siyang papeles na binabasa. “Hi, Mom. Bakit po kayo napatawag?” “Oh, hello, anak. Kamusta ka na? Ah, teka.. I know na you are busy anak, pero sana huwag kang magplano ng kahit anong gagawin sa Sabado, please.” Nagtaka naman si Alejandro saglit pero hindi na rin matagal ang pagtataka na iyon dahil kilalang-kilala na niya ang kanyang ina. Mahilig talaga ito sa mga parties kaya iyon ang una niyang naisip na dahilan. “Hmm, Sabado. Parang wala naman oo akong scheduled event noon. Bakit po?” “Ah, I prepared something for you. Ipapaluto ko ang mga paborito mo. Dinner ka naman dito sa bahay,” yaya ng kanyang ina sa kanya. Napatingin si Alejandro kay Ivy na nasa kabilang bahagi ng sala. “Family dinn
Last Updated : 2026-10-01 Read more