Matapos ilibot nina Ivy at Alejandro si Sugar sa buong bahay sa Antipolo, muling silang bumalik na tatlo sa sala.Ipinakita na nila kay Sugar ang mga pangunahing bahagi ng bahay. Ang kusina, dining area, mga kwarto, maliit na office at ang garden sa likod.Habang nakatingin si Sugar sa malawak na bintana ng sala, hindi niya maiwasang isipin kung gaano kalayo ang lugar na iyon mula sa kanyang kasalukuyang buhay na meron siya.Tahimik, maaliwalas. At higit sa lahat, pribado ang lugar na iyon kaysa sa buhay na meron siya ngayon.“Kung may gusto kang ipabago rito, sabihin mo lang,” sabi ni Ivy.“Okay na ito,” sagot ni Sugar. “Sobra-sobra na nga ang ganda ng bahay na ito, e. Wala na dapat na ibahin pa.”“Hindi naman,” sabi ni Alejandro. “Gusto lang naming maging comfortable ka rito.”Bahagyang ngumiti si Sugar. “Salamat, pero tulad nga ng sinabi ko kanina, okay na ito.”Ilang minuto silang nag-usap tungkol sa bahay a
Última actualización : 2026-10-10 Leer más