Kinabukasan, maaga pa lang ay nagpasya na si Alejandro na puntahan si Sugar.Tutal, alam naman niya kung saan nakatira ang babae, hindi na niya hinintay pang ulitin iyon ni Ivy sa kanya. Isa pa, kung iuutos niya ito sa driver ay baka maging issue pa. Gusto niya na siya mismo ang pumunta roon.Hindi niya alam kung paano tatanggapin ni Sugar ang pagpunta niya. Sa totoo lang, kinakabahan siya.Hindi dahil may ginawa siyang mali, kundi dahil alam niyang pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila ay siguradong ayaw na nitong makita siya.At tama nga ang iniisip niya. Nang makarating siya sa bahay nina Sugar, ilang segundo muna siyang nanatili sa loob ng sasakyan bago tuluyang bumaba.Huminga siya nang malalim saka naglakad papunta sa gate. Nag-doorbell siya. Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang gate.Nang makita siya ni Sugar, tila nanigas ang buong katawan nito. Mukhang bumalik na naman ang lahat sa isip niya. Agad nagbago ang ekspresyon ni Sugar dahil doon.“Ano'ng ginagawa mo rito?” ta
Last Updated : 2026-09-17 Read more