Matagal na nakatitig si Kael sa maliit na papel na may pangalang Arabella Montenegro. Hawak niya ito nang mahigpit, halos malukot na ang gilid ng lumang papel. Halatang maraming tanong ang gumugulo sa isip niya galit, pagtataka, at pag-aalala na hindi niya masabi nang diretso."Take everything back to my study. Lahat ng kahon, lahat ng dokumento, dalhin mo doon," utos niya kay Sebastian, mahina pero mariin ang boses. "I want these documents examined privately. Walang ibang hahawak.""Yes, Sir. Ako na pong bahala," sagot ni Sebastian at maingat na binuhat ang mga lumang kahon na natagpuan namin sa abandonadong kwarto.Pagbalik namin sa study room, inilapag ko ang mga lumang litrato at dokumento sa malaking mesa. Maingat kong inayos ang mga iyon, isa-isa, habang patuloy na binabasa ni Kael ang sulat na nagsasabing may anak si Isabella. Tahimik lang kami pareho, at tanging kaluskos ng papel at mahinang tunog ng orasan lang ang naririnig."Do you think something happened to her?" tanong k
Huling Na-update : 2026-10-31 Magbasa pa