"I'm not trying to be part of your family, Vanessa," sagot ko, pinilit kong panatilihing kalmado ang boses ko kahit ramdam ko ang bigat ng mga salita niya at nanginginig na ang kamay kong may hawak sa tray.Tinitigan ko siya nang diretso para ipakita na hindi ako natatakot, kahit sa loob-loob ko ay parang sinasaksak ako ng bawat salitang binibitawan niya."I'm only here because of my job. Nothing more than that. Hindi ko pinangarap na mapunta sa pamilya ninyo, at hindi ko kailanman pinangarap na palitan ka," dagdag ko, mahina pero malinaw.Bahagyang ngumiti si Vanessa at tuluyang binitiwan ang braso ko, parang nandidiri pa na hinawakan niya ako at pinunasan pa ang kamay niya sa dress niya."That's what you think, Eliana. That's what all girls like you think at first," sabi niya, at binalingan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, sinusuri ang simpleng suot ko. "Minsan kasi, kapag binibigyan ng atensyon ang isang tao na hindi naman dapat, nagkakamal
Last Updated : 2026-11-02 Read more