Pilit kong ibinalik ang atensyon ko sa mga dokumentong inaayos ko sa mesa. Hindi ko na muling tiningnan si Kael pagkatapos ng nangyari kanina sa kwarto niya. Sapat na ang isang gabi para mapahiya ako nang husto dahil sa kanya, at ayoko nang dagdagan pa."Eliana."Napapikit ako nang mariin bago dahan-dahang humarap sa kanya. Pinilit kong maging kalmado ang boses ko. "What?""Prepare my clothes for tomorrow. Black suit, white shirt, and the silver watch."Tumango lang ako at dumiretso sa walk-in closet niya. Maingat kong kinuha ang itim na suit, ang puting polo, at ang pilak na relo na palagi niyang sinusuot kapag may mahalagang meeting. Habang inaayos ko iyon, biglang tumunog ang phone niya."Sebastian, what is it?" sagot niya, malamig ang tono.Hindi ko sana papansinin ang usapan nila, pero natigilan ang buong katawan ko nang marinig ko ang isang pangalang hindi ko inaasahang babanggitin pa niya sa loob ng bahay na ito."Liam Valerio?"Nabitawan ko nang bahagya ang coat na hawak ko. N
Last Updated : 2026-10-21 Read more