Pagbalik ni Kael sa audience area pagkatapos ng ilang minutong nawala, agad kong napansin ang pagbabago sa mukha niya. Kanina, kahit hindi siya nagsasalita at nakasandal lang sa pader, ramdam ko ang suporta niya sa bawat tingin at pagtango niya sa akin sa stage. Ngayon, para bang bigla akong naging abala lang na ayaw niyang makita.“Kael,” tawag ko nang makalapit siya sa hallway at pinilit kong ngumiti kahit kinakabahan pa rin ako sa USB. “Kanina pa kita hinahanap. May gusto sana akong itanong tungkol sa USB na binigay sa akin at sa note na—”“Not now, Eliana,” putol niya agad na malamig ang boses at hindi man lang tumingin sa akin nang diretso.Natigilan ako at nabitawan ang hawak kong folder. “Pero importante iyon. May nakalagay na pangalan mo sa note, at natatakot ako kung bakit—”“I said, not now,” ulit niya at inayos ang cuff ng kanyang coat bago tuluyang tumingin sa akin nang malamig. “You should focus on your competition instead of worrying about every little thing
Last Updated : 2026-10-14 Read more