CHAPTER 22THE BROTHER WHO SHOULD BE DEAD“Sa wakas.”Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mukha ng lalaking nakatayo sa dulo ng hallway, o ang paraan ng pagbigkas niya sa pangalan ko na para bang matagal niya na akong hinihintay.“Naalala mo rin ako.”Parang may humila sa isang bahagi ng utak ko na matagal nang nakasara.Elias Montenegro.Ang pangalang iyon ay wala sa mga alaala kong malinaw, pero nang marinig ko ito, may sumabog na imahe sa isip ko—isang lumang hagdan, isang kamay na may sugat sa knuckle, isang lalaking nakaluhod sa harap ko habang may hawak na maliit na laruan.At isang boses.Huwag kang matakot, Liana. Ako ang magbabantay sa inyo.Napaatras ako.Napansin agad iyon ni Adrian. Lumipat siya sa harap ko, bahagyang nakatagilid ang katawan niya para harangan ako sa panin
Last Updated : 2026-09-29 Read more