Hindi ko agad pinulot ang sobre.Nasa sahig lang iyon sa harap ng bukas na archive door, simple at ordinaryo kung titingnan. Walang pangalan ng nagpadala, walang address, at walang kahit anong marka maliban sa pangalan ko na nakasulat sa ibabaw.LIA.“Baka bitag,” sabi ni Nathaniel.“Posible.”“Then don't touch it.”Tiningnan ko siya. “Kung gusto nila tayong takutin, bakit nila iiwan ’yan pagkatapos nilang makapasok dito nang hindi natin napapansin?”Hindi siya agad nakasagot.Dahan-dahan kong pinulot ang sobre.“Buksan mo rito,” sabi ni Nathaniel. “Gusto kong makita kung ano ang laman.”“Bakit? Baka gusto mong mauna sa akin.”“Lia.”“I'm just saying.”Umiling siya, pero hindi na nakipagtalo.Binuksan ko ang sobre.Tatlong bagay ang laman nito: isang lumang litrato, isang maliit na papel na nakatiklop, at isang susi.Hindi silver tulad ng nasa bulsa ko. Mas luma iyon at mas maliit, gawa sa brass, na may kakaibang ukit sa hawakan.Kinuha ko muna ang litrato.Isang hallway ang nasa lara
Última atualização : 2026-09-21 Ler mais