Hindi agad nawala ang alaala.Habang nakatayo ako sa harap ng B1-04, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Mae. Bata pa kami noon, magkahawak ang kamay habang nakatayo sa parehong hallway na ito. Hindi ko pa rin maalala kung ano ang nangyari bago kami makarating dito, pero malinaw sa akin ang sinabi niya.“Lia, kapag binuksan natin ’to, hindi na nila tayo kayang paghiwalayin.”Pareho pa rin ang pinto. Luma, mabigat, at tahimik sa likod ng makapal nitong kahoy.“Naalala mo?” tanong ni Nathaniel.“Si Mae.” Tumingin ako sa lock. “Dito kami nakatayo noon. Sinabi niya ’yan sa akin. Pero pagkatapos no’n, wala na.”“Maybe that's enough for tonight.”Napatingin ako sa kanya.“Akala ko gusto mong malaman ang totoo.”“Gusto ko.”“Then why stop?”“Because I don't want you forcing yourself to remember something just because we're standing in the same place.”Hindi ko agad nasagot iyon. Sa lahat ng taong gustong malaman kung ano ang nangyari noong gabing iyon, si Nathaniel lang ang hind
آخر تحديث : 2026-09-21 اقرأ المزيد