Matagal kong tinitigan ang larawan sa cellphone ni Nathaniel.Isang lumang hallway.Isang pinto.At sa gitna nito, isang maliit na metal plate na may numerong—17.Sa ilalim ng larawan, iisa lang ang mensahe.YOU WERE THERE.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakabahala.Ang larawan.O ang pakiramdam na parang nakita ko na ang lugar na iyon.“Pupunta tayo roon.”Napatingin ako kay Nathaniel.“Ngayon?”Tumango siya.“Bago pa may makapagbago ulit ng mga bagay.”“Mara?”Napalingon kami sa kanya.Nakatayo pa rin siya sa parehong lugar.“Hindi kayo dapat pumunta roon.”“Bakit?”Hindi siya sumagot.“Mom,” sabi ni Nathaniel, “kung may alam ka tungkol sa Room 17, sabihin mo na.”“Hindi.”“Why?”“Dahil hindi iyon simpleng kuwarto.”Napatingin ako sa kanya.“Then what is it?”Napapikit si Mara.“Doon nagsimula ang lahat.”---Hindi na namin siya pinilit.Hindi dahil naniwala kami sa kanya.Kundi dahil alam naming hindi niya sasabihin ang buong katotohanan.Makalipas ang ilang minuto, nasa sasaky
Dernière mise à jour : 2026-09-21 Read More