Hindi ko alam kung alin ang mas nakakabahala—ang mensaheng natanggap namin tungkol kay Elias Navarro o ang katotohanang may taong ayaw kaming makahanap sa kanya.Pero isang bagay ang sigurado.Hindi na aksidente ang lahat.Mula nang malaman namin ang tungkol sa private floor, sa access card ni Tita Celia, kay Marcus Vale, at ngayon kay Elias, pakiramdam ko ay unti-unting binubuo ng mga piraso ng nakaraan ang isang larawan na matagal nang sinubukang burahin.At ang pinakamasama?Pakiramdam ko, ako ang nasa gitna ng lahat.Kinabukasan, halos buong umaga kaming nasa study room ni Alistair.Nasa mesa ang lumang records. May mga dokumento tungkol sa Sandoval family, dating employees, security consultants, at mga pangalan na halos hindi ko na kilala.Si Alistair ay nakaupo sa harap ng laptop habang ako naman ay nag-aayos ng mga folder na nakuha namin mula sa lumang storage.“Sigurado ka bang gusto mong gawin natin ito ngayon?” tanong niya.“Bakit hindi?”“Because you barely slept last night
Última actualización : 2026-09-22 Leer más