Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging normal para sa akin ang presensya ni Alistair.Dati, kapag nasa bahay siya, pakiramdam ko kailangan kong maging maingat sa bawat kilos ko. Hindi dahil takot ako sa kanya, kundi dahil ayaw kong magkaroon siya ng maling akala. Ayaw kong isipin niyang dahil hinayaan ko siyang maging bahagi ng buhay ni Amara ay may ibig sabihin na rin iyon tungkol sa aming dalawa.Pero nitong mga nakaraang araw, parang nagbago na ang lahat.Hindi naman malaki.Maliit lang.Kapag umuuwi siya galing trabaho, napapatingin ako kung nandiyan na ba siya. Kapag hindi siya agad bumababa para kumain, napapansin ko. Kapag tahimik siya, nagtatanong ako kung may problema ba.At ngayong araw, unang beses kong napansin na baka hindi lang pala ako ang nagbabago.Si Alistair din.“May meeting ako sa clinic hanggang hapon,” sabi ko habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa bag. “Baka gabihin ako nang kaunti. May bagong consultant na darating para sa mental health program namin.”
Dernière mise à jour : 2026-09-22 Read More