Tatlong araw.Tatlong araw lang naman.Pero bakit parang ang tagal?Hindi naman nawala si Alistair. Hindi rin naman siya pumunta sa ibang lugar. Nasa trabaho lang siya.Busy sa Sandoval Group dahil may malaking project silang kailangang tapusin. May meetings, presentations, calls, at kung anu-anong documents na kailangan niyang pirmahan.Noong unang araw, wala lang sa akin.“Busy si Alistair,” sabi ko sa sarili ko habang naghahanda ng almusal. “Okay lang iyon.”Nasa kusina ako noon kasama si Amara na nasa baby chair. Habang pinapakain ko siya, napatingin ako sa bakanteng upuan sa kabilang side ng mesa.Karaniwan, doon nakaupo si Alistair.Minsan tahimik lang siya habang nagkakape.Minsan naman ay nakikipaglaro kay Amara habang kunwari ay hindi siya nakikinig sa mga kwento ko tungkol sa trabaho.Pero ngayong umaga, wala siya.Hindi ko dapat mapansin.Pero napansin ko.“Daddy's working today,” sabi ko kay Amara habang nilalagyan ko ng pagkain ang maliit niyang plato. “Busy si Daddy.”Ti
Dernière mise à jour : 2026-09-22 Read More