Kinabukasan, hindi agad kami umalis ng bahay.Pagkatapos ng nangyari kagabi, pareho naming alam ni Alistair na hindi puwedeng basta kami sumugod sa warehouse. May taong nakakaalam ng plano namin, may taong nakakakuha ng impormasyon, at higit sa lahat, may taong malapit sa mga lumang records ng Sandoval family.Pero may isa pang bagay na mas naging malinaw sa akin.Hindi na puwedeng puro kalahating katotohanan ang pagitan namin.Kung gusto naming matapos ang lahat ng ito, kailangan naming magsimula sa isa't isa.Nasa dining table kami ni Alistair nang ilapag niya ang isang makapal na folder sa harapan ko.“Everything I have,” sabi niya.Tiningnan ko ang folder.“Lahat?”“Lahat ng alam ko tungkol sa engagement night, sa family agreement, sa mga taong konektado sa Sandoval family, pati yung mga bagay na hindi ko sinabi sa'yo dati.”Napatingin ako sa kanya.“Kasama yung mga bagay na baka hindi ko magustuhan?”“Especially those.”Tahimik akong huminga nang malalim bago ko binuksan ang fold
Última actualización : 2026-09-23 Leer más