Tatlong araw matapos naming pag-usapan kung ano ang gusto naming subukan, wala pa ring nakakaalam.At sa totoo lang, hindi naman ganoon kahirap itago.Hindi dahil wala kaming nararamdaman.Kundi dahil pareho naming gustong panatilihin muna sa amin ang kung anuman ang nagsisimula sa pagitan namin.Sa bahay, normal pa rin ang lahat.Si Alistair ay siya pa rin ang ama ni Amara. Ako naman, ako pa rin ang ina nito. Magkasama kaming nag-aalaga sa kanya, kumakain sa iisang mesa, nagtutulungan kapag umiiyak siya sa gabi.Pero may maliit na pagkakaiba.Kapag nagkatinginan kami, may alam kaming dalawa na hindi alam ng iba.Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, napapangiti ako.Kapag nahuhuli naman niya akong nakatingin sa kanya, kunwari wala akong nakita.At minsan, sapat na iyon para mapangiti kaming pareho.Isang umaga, habang nagpapakain ako kay Amara, biglang nagsalita si Alistair.“Viara.”“Hm?”“About us.”Napatingin ako sa kanya.“Ano tungkol sa atin?”“Do you think we should tell
Última actualización : 2026-09-22 Leer más