"Annika, debut mo na 'yan sa Sunday, ganap ka ng dalaga!!" Sabi ni zamaria"Oo... pumunta kayo ha!" Aniya sa mga kaibigan-Ellise, Arabella, at Zamaria."Oo naman, hindi namin palalampasin yan," sagot ni Ara, may ngiti pero halata sa mga mata ang excitement."Sunday din uuwi ang kuya Elion ko, ehh..." Maya-maya, dagdag ni Ellise.Napalingon ako. Biglang kumapit sa aking dibdib ang kaba, at napalunok ako ng malakas. May mga alaala akong bumabalik... malabo man, ngunit malinaw sa pakiramdam. Ang dugo sa kamay ni Elion. Ang tindi ng bawat saksak na ginawa niya sa lalaki... ang sigaw na hindi ko narinig ngunit ramdam ko pa rin."Annika oi!!" puna ni Zamaria, pero parang malayo ang boses niya sa akin.Bigla akong natulala, hindi makapagsalita. Ang ngiti ni Arabella ay parang nang aasar sa akin, pero ramdam ko ang lamig ng alaala na sumasagi sa aking puso."Bigla kang natulala diyan, girl!" sabi niya, may halong pang aasar ."W-wala... may naiisip lang ako...""Ano yun? Share naman!!" Bumali
Last Updated : 2026-09-23 Read more