LOGIN“Omg! I told you — same outfit, diba!” inis na sabi ni Arabella kay Annika, dahil Hindi Siya Naka palda.
Si Arabella ang pinakabata sa apat — turning sixteen pa lang — pero sa kanila, siya na ang parang nagiging leader ng lahat ng kalokohan.
May tikas sa pananalita, may kumpiyansa sa bawat ngiti, at kahit bata pa, marunong siyang mag-utos na parang siya ang pinakamatanda sa grupo.
Kahit alam ng tatlo na delikado ang mga plano niya, madalas pa rin silang napapasunod — dahil si Arabella, kapag nagsalita, parang laging may kasamang pang-akit at tapang na mahirap tanggihan.
“Pinapalitan kasi ni Daddy!” iritableng sagot ni Annika.
“Kulang ka sa diskarte, Annika.” natatawang sabi ni Ellise.
“Where’s zamaria?” tanong ni Arabella.
Maya-maya, natawa siya nang makita si zamaria — katulad din ni Annika, nakapants.
“Ang killjoy ng mga daddy niyo!” natatawang sabi ni Arabella.
“Wala eh, nahuli ako ni Daddy...” malungkot na sabi ni Zamaria, ang bunso ni Zephyr.
“Dapat isiniksik mo sa bag!” natatawang sabi ni Arabella.
“Ikaw, Ellise, buti ’di ka nakita ni Tito Ace?”
“Naku, busy ’yon lagi kay Mommy,” natatawang sagot ni Ellise.
“Eh saan naman tayo pupunta? Ayoko namang umuwi agad, after ng class eh,” reklamo ni zamaria habang inaayos ang strap ng bag.
“Sa park na lang kaya? ’Yung malapit sa may baywalk, may mga kainan din doon,” suhestiyon ni Ellise na parang siya lang ang may matinong plano.
Pero mabilis na umiling si Arabella. “Ang boring naman nun! Gusto ko ‘yung may music, lights, vibes—hindi ‘yung puro isda amoy!” natawa pa siya habang kinikindatan ang mga kaibigan.
Napansin ni Zamaria ang pananahimik ni Annika kaya tinapik niya ito sa balikat. “Oh, Annika, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo.”
Napangiti lang si Annika, pilit. “Wala ‘to… Sige, hanap na lang tayo ng iba, basta wag lang sa bahay namin. Please.”
Nagkatinginan ang tatlo.
“Okay fine,” sabi ni Arabella sabay ngiti ng pilya. “May alam akong spot. Secret place ng other friend ko. Hindi bar… pero parang bar.”
“Ha? Ano ibig mong sabihin?” tanong ni Ellise na biglang kinabahan.
Ngumisi si Arabella, halatang excited. “Basta, samahan n’yo na lang ako. Promise, safe doon. Walang parents, walang rules.”
Tahimik lang si Annika, pero sa loob niya may halong kaba at kuryosidad. Walang rules…
“Walang rules?” ulit ni Zamaria habang nakataas ang kilay, pero halatang interesado rin.
Tumango si Arabella, sabay kindat. “Oo. Basta sumama kayo, ‘wag na kayong maraming tanong. Ako bahala.”
Makalipas ang ilang minuto, naglalakad na silang apat palabas ng campus.
“kalma Lang girls,” sagot ni Arabella. “Hindi tayo papahuli.”
Pagdating nila sa labas mabilis Lang Nilang nalusutan ang mga driver nila,
Dahil anak mayaman at mga bata pa tila nagtutuklas pa SA mundo, First time Lang Nilang sumakay sa tricycle. Habang umaandar ito, ramdam nila ang kakaibang tuwa sa bagong karanasan..
Pagdating nila sa dulo ng isang kalsada, tumigil ang tricycle. “Dito na tayo,” sabi ni arabella.
“Ha? Dito?!” gulat na sabi ni Ellise, dahil puro lumang bodega at saradong tindahan lang ang paligid.
Ngumiti si Arabella, parang may alam na sikreto. “’Wag kayong mag-alala. Nasa likod lang.” tapos may itinuro..
Dinala niya ang mga kaibigan sa isang makitid na daanan sa gilid ng lumang gusali. Sa dulo noon ay may bakal na p***o na may kumukutitap na ilaw sa taas. Tumunog ang bass music mula sa loob—mahina pero malinaw.
“Told you, may vibe ‘to,” nakangiting sabi ni Arabella habang kumakatok.
Bumukas ang p***o, at isang lalaki—mukhang nasa early twenties—ang sumilip. “Sino kayo?” malamig na tanong nito.
“Kay ate sophia kami,” sagot ni Arabella agad, confident. “friend niya ako.”
Sandaling tiningnan ng lalaki ang grupo bago ngumiti. “Ah, ikaw pala ‘yung sinasabi niya. Sige, pasok.”
Pagpasok nila, bumungad ang maliliwanag na ilaw, tugtugang umaalingawngaw, at mga kabataang halos kasing-edad lang nila—pero halatang hindi dapat naroon. May mga nakainom, may sumasayaw, may tumatawa nang malakas.
May nag bibilliard,
Nag lalaro Ng dart..
“Wow…” bulong ni Zamaria. “Parang mini-bar nga!”
Ngumiti si Arabella, proud. “Welcome to The Hideout.”..
Habang tumatawa ang tatlo, napansin ni zamaria ang isang lalaking nakatingin sa kanila mula sa malayo. Naka-itim ito, may suot na cap, at tila sinusundan ang bawat galaw nila.
Napalunok siya. “B-Bella… sino ‘yung lalaking ‘yon?”
Ngumiti lang si Arabella. “Ah, siya? Huwag mo siyang pansinin. Bantay lang ‘yan ni ate sophia.”
Pero sa dibdib ni zamaria, kumabog nang mabilis ang puso niya. Parang Mali ata ang ginagawa nila..
Pero lumipas ang oras..
Habang masaya silang nagsasayawan, unti-unting lumakas ang musika. Si Arabella, nakataas pa ang baso ng softdrink (na halatang may halong alak), sumisigaw ng, “To freedom, girls!” sabay tawanan nila.
Si Annika naman, kahit nakangiti, ramdam na ramdam ang hindi mapakaling tibok ng puso. Ilang sandali pa, bigla niyang napansin na nagbubulungan ang dalawang lalaki sa tabi ng p***o. Isa sa kanila, may radyo sa bulsa.
“Bella…” mahina niyang tawag, “parang may kakaiba.”
Ngunit bago pa siya makasagot, may malakas na sigaw mula sa labas at sumipa Ng pinto—
“Pulis ‘to! Walang kikilos!”
Napasigaw si Ellise, halos matapon ang hawak na inumin. Si Zamaria, napaatras at muntik nang matumba sa mesa. Tumigil ang tugtog, at nagsimula ang kaguluhan—may mga nagsitakbuhan, may nagtago sa likod ng bar, may mga tumalon sa likod na pintuan.
“Anong gagawin natin...patay ako Kay daddy...?!” halos umiiyak na tanong ni Ellise tinutukoy ang daddy ace niya.
“Dito! Dito tayo!” sigaw ni Arabella habang hinahatak sila papunta sa gilid. Pero bago pa sila makalayo, biglang may dalawang pulis na humarang.
",imbes na umuwi na, andito kayo at nag sasaya?!” gulat na sabi ng isa, “Minor kayo, ‘di ba?!”
Hindi na sila nakasagot, nanginginig lang sa takot. Isa-isa silang pinababa at pinasunod palabas.
“Don't touch me! Isusumbong ko kayo sa daddy ko!—” sigaw ni Arabella habang pinapagitnaan ng mga pulis.
"Tumahimik ka.." mahinahon na Sabi Ng pulis Kay ara..
Paglabas nila ng Hideout, nakapila silang apat. May mga ilaw ng police car na kumikislap sa paligid, at mga taong nag-uusyoso sa kalsada.
Lalong sumikip ang dibdib ni Annika nang makita ang apat na kotse ang isa Doon ay pamilyar— Bumukas ang Mga p***o, nagsibabaan ang Kani kanilang mga ama..
Si Damien, Azrael, ace at zephyr..
“Papa…” mahina nilang bulong, natatakot sa seryosong mukha ng mga ama.
Matigas ang tingin ng mga ama nila, galit at pagkadismaya ay halatang halata. “Sumakay ka na SA kotse Annika.." si damien ang unang nagsalita, masama ang tingin sa anak..
Tahimik si Annika, halos hindi makalakad sa hiya.
Si Arabella naman, nagpapaawa ang mukha, umaasang gagana ang ganun Ngayon sa ama...“papa, sorry po… " seryosong Sabi niya pero Hindi maitago ang ngiti nito sa ama niyang mukhang nag pipigil na siya ay singhalan..
Si Ace, malamig ang tingin kay Ellise.
“Pumasok ka na sa kotse,” sabi ni ace Nang mariin.
“Galit na galit na ang mommy mo.”
Hindi makatingin si Ellise, pero alam niyang nag-aalab ang hiya sa mukha niya. Dahan-dahan siyang sumakay, hindi makatingin sa ama...pero ang mas kinakatakutan niya ngayon ay ang ina niyang si Almira..
Si Zephyr naman, walang sinabi. Malalim ang buntong-hininga bago niya hinawakan ang braso ng anak.
“Sumakay ka na, Zamaria.”
Nanginginig ang kamay ni zamaria, pero bago pa siya makagalaw, marahas siyang hinila ng ama papasok sa loob ng kotse. Hindi iyon sobrang lakas, pero sapat para maramdaman niyang galit ang ama niya—
Lumapit naman ang apat na ama—sina Ace, Zephyr, ace at damien—sa mga pulis. Maayos silang nakipag-usap, mabigat ang tingin ngunit kontrolado.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagpasalamat ang isa sa mga pulis.
“Ayos na po, Sir. Paalalahanan na lang po ang mga bata. Buti na lang walang nangyaring masama.”
Tumango lang sina Azrael, hindi na nagsalita. Isa-isa silang bumalik sa kani-kanilang sasakyan.
Sa loob ng kani kanilang kotse, walang nagsasalita. Tanging ugong ng makina at mahihinang hikbi ni Annika ang maririnig.
Sa kotse Naman ni Zephyr, mariing hawak ang manibela. Sa gilid ng mata niya, nakita niyang nakayuko ang anak, pilit itinatago ang luha.
“Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo, ellise…” mahina Namang sabi ni ace..
“Pero pag-uwi natin, harapin mo ang mama mo.
Napakagat-labi si ellise, gustong magsalita pero walang lumabas na tinig.
SA kotse naman ni Azrael .Naka-sandal si Arabella sa upuan, nakatingin sa labas ng bintana. May pilyang ngiti sa labi, tila walang pakialam sa nangyari.
sa isip niya, isa lang itong karanasang exciting, hindi kasalanan.
Napatingin sa kanya si Azrael, ang ama niya. Tahimik lang itong nagmamaneho, ngunit halatang pigil na pigil ang inis. Minsan napapailing na lang siya, marahang napapabuntong-hininga.
ASHWOOD MANSION
Pagkapasok nila sa mansion ng daddy Damien niya, tahimik ang buong paligid. Tanging tunog ng mga yabag nila sa marmol na sahig ang maririnig. Hindi makatingin si Annika sa ama habang naglalakad ito.
Inasahan niyang sisigawan siya, o kahit papaano’y sermunan. Pero laking gulat niya nang marinig lang niyang malamig na utos mula sa ama:
“Umakyat ka na sa kwarto mo.”
Walang dagdag na salita. Walang sigaw, walang paliwanag — at sa paraang iyon, mas lalo siyang kinabahan.
Tumango lang siya at mabilis na umakyat, nararamdaman ang bigat ng bawat hakbang. Pagkapasok sa kwarto, padabog niyang isinara ang p***o at ibinagsak ang sarili sa kama.
Napatingin siya sa kisame, sabay marahang bumuntong-hininga.
“Lagi na lang ganito…masyado silang mahigpit.” mahina niyang bulong.
Muling napatingin si Annika sa kalendaryo sa dingding. May pulang marka sa petsa — isang linggo na lang, 18 na siya.
“Pag eighteen na ako…” bulong niya nangingiti.
“Hindi na nila ako kayang kontrolin. Hindi na nila ako pagbabawalan. Magiging malaya na ako… sa lahat-lahat.”
Tahimik siyang napangiti, excited sa darating na debut..
“S-saan mo ako dadalhin?!” takot na takot na sigaw ni Annika..Siya ang unang pinasakay sa motor, at bago pa man siya makapalag, umangkas na ang lalaki sa likod niya. Ang jacket nito ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ni annika paharap, kaya kahit nakaminiskirt siya, walang makikitang anumang parte ng kanyang hita.Nagulat si Annika nang marahas na hinila ni Elion ang kanyang buhok at mariing itinatali..bago pa man niya paandarin ang motor. Halos hindi siya makagalaw sa sakit at biglaang paghawak nito..“A-anong tinatali mo sa buhok ko!?” Napalingon siya. “May panali ako sa bag, yun nala—”“Shut up,” malamig pero mababang sabi nito, halos dumampi ang hininga ng lalaki sa batok niya.Alagang-alaga niya ang buhok niya, pero naramdaman niyang walang ingat ang mga kamay ni Elion. Biglang tumaas ang init ng inis sa dibdib niya.Napapikit si Annika biglang nawala ang kaunting takot. “Serious ka ba? Anong gamit mong panali?” inis niyang sabi, pero pinigilan ang boses na tumaas dahil alam n
Naligo siya at pilit na bumangon, sinusubukang ibalik ang lakas ng katawan kahit hilo pa rin.Pagkatapos ay bumaba siya at naabutan sina Mommy at Daddy sa sala."How’s our young woman?" tanong ni Damien.Pilit siyang ngumiti, itinatago ang discomfort na nararamdaman."Daddy, kailan po ako pwedeng tumira sa suite ko?""Hmm... ang dalaga ko..." halos maiyak na sabi ni Elara, sabay tingin nang masama sa asawang si Damien."Bakit kasi ‘yun ang regalo mo sa kanya? Nakakainis ka!""It’s okay, Elara," sagot ni Damien habang humarap sa anak."No boyfriend pa rin, Annika, huh?"Napasimangot si Annika. Ayan na naman si Daddy — nagsisimula na naman sa topic tungkol sa boyfriend.“Bakit, Daddy? Diba si Mommy maaga mo rin nabuntis?”Tahimik ang buong sala.“Annika!!” sabay na sigaw nina Elara at Damien.Parang sabay silang hindi makapaniwala sa narinig —sa isip nila si Annika, mukhang may binabalak… Nang mag-asawa?Napatingin si Damien, seryoso ang mukha.“Give me your key.”Alam agad ni Annika ku
Dahil sa matinding pagod, mabilis na nakatulog si Annika. Tahimik ang buong silid—tanging mahinang ihip ng hangin mula sa veranda ang maririnig.Maya-maya, dahan-dahang gumalaw ang seradura ng pinto. Unti-unting bumukas ang pinto ng veranda..Mula sa dilim, isang lalaki ang pumasok. Matangkad, matipuno, at tila ba sanay gumalaw nang walang bakas. Sa tulong ng malamlam na liwanag ng buwan, aninag ang malamig na kislap sa kanyang mga mata—mga matang matagal nang naghihintay.Tahimik siyang lumapit sa kama. Umupo sa gilid nito Pinagmasdan niya si Annika na mahimbing na natutulog—ang bawat paghinga, ang bawat bahagyang galaw ng kanyang labi. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha… isang ngiting may init, walang awa.Parang matagal na niyang inaasam ang sandaling ito.At ngayong narito na siya, hindi na siya aalis.“Happy birthday, Annika…” bulong ng lalaki..Sa liwanag ng buwan, tumambad ang kanyang mukha — nakakapanghinayang sa ganda kung hindi lang ito nababalutan ng kakaibang lamig.
Dumating na rin ang araw ng aking debut. Pinilit namin ni Mommy, sinubukan naming ipaliwanag… pero ayaw talaga ni Daddy na isama si Jason sa 18 roses ko.Hinayaan ko na lang. Ngunit sa bawat ngiti ko may tahimik na tampo na nananatili sa puso ko.Huminto ang musika sandali nang magsimulang bumaba sa hagdan ang spotlight sa bulwagan. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin, at ramdam ko ang tuwa at excitement na bumabalot sa buong katawan ko.Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, bawat hakbang ay parang mabigat at magaan sa parehong oras. Ang pink balloon gown ko ay kumikislap sa liwanag, ang mga layers ng tela ay malambot na parang ulap at kumikilos sa bawat galaw ko. Ang bodice ay masikip sa katawan, eleganteng nagha-highlight sa aking balikat at baywang, habang ang skirt ay malawak at malambot, na nagbibigay ng pakiramdam na lumilipad ako sa bawat hakbang.Ang mga maliit na kristal at perlas sa gown ay kumikislap sa bawat sulyap ng ilaw, parang nagdadala ng dagdag na magic sa bawat hakbang.
"Annika, debut mo na 'yan sa Sunday, ganap ka ng dalaga!!" Sabi ni zamaria"Oo... pumunta kayo ha!" Aniya sa mga kaibigan-Ellise, Arabella, at Zamaria."Oo naman, hindi namin palalampasin yan," sagot ni Ara, may ngiti pero halata sa mga mata ang excitement."Sunday din uuwi ang kuya Elion ko, ehh..." Maya-maya, dagdag ni Ellise.Napalingon ako. Biglang kumapit sa aking dibdib ang kaba, at napalunok ako ng malakas. May mga alaala akong bumabalik... malabo man, ngunit malinaw sa pakiramdam. Ang dugo sa kamay ni Elion. Ang tindi ng bawat saksak na ginawa niya sa lalaki... ang sigaw na hindi ko narinig ngunit ramdam ko pa rin."Annika oi!!" puna ni Zamaria, pero parang malayo ang boses niya sa akin.Bigla akong natulala, hindi makapagsalita. Ang ngiti ni Arabella ay parang nang aasar sa akin, pero ramdam ko ang lamig ng alaala na sumasagi sa aking puso."Bigla kang natulala diyan, girl!" sabi niya, may halong pang aasar ."W-wala... may naiisip lang ako...""Ano yun? Share naman!!" Bumali
“Omg! I told you — same outfit, diba!” inis na sabi ni Arabella kay Annika, dahil Hindi Siya Naka palda.Si Arabella ang pinakabata sa apat — turning sixteen pa lang — pero sa kanila, siya na ang parang nagiging leader ng lahat ng kalokohan.May tikas sa pananalita, may kumpiyansa sa bawat ngiti, at kahit bata pa, marunong siyang mag-utos na parang siya ang pinakamatanda sa grupo.Kahit alam ng tatlo na delikado ang mga plano niya, madalas pa rin silang napapasunod — dahil si Arabella, kapag nagsalita, parang laging may kasamang pang-akit at tapang na mahirap tanggihan.“Pinapalitan kasi ni Daddy!” iritableng sagot ni Annika.“Kulang ka sa diskarte, Annika.” natatawang sabi ni Ellise.“Where’s zamaria?” tanong ni Arabella.Maya-maya, natawa siya nang makita si zamaria — katulad din ni Annika, nakapants.“Ang killjoy ng mga daddy niyo!” natatawang sabi ni Arabella.“Wala eh, nahuli ako ni Daddy...” malungkot na sabi ni Zamaria, ang bunso ni Zephyr.“Dapat isiniksik mo sa bag!” natatawa







