Mag-log inInistart ni Elion ang motor, saka bumaling kay Annika, ang batang kasama niya.
Tahimik at tulala si Annika, halos hindi makagalaw. Halos nanginginig siya sa nasaksihang karahasan kanina-ang alaala ng mga mata ni Elion kanina'y nananatili sa isip niya.
"Sasakay ka o iiwanan kita dito?" seryoso ang tanong ni Elion, tila walang pakialam sa maliit na batang ngayo'y nanginginig sa takot..,
Marahan, lumapit si Annika, at marahang sumakay sa likod ni Elion. Kumapit siya sa laylayan ng damit nito.
Naramdaman ni Elion ang pagsakay niya kaya agad nitong pinaharurot ang motor.
Akala ni Annika ay patungo sila sa mansion ng Tito Ace niya, pero habang lumalayo sila sa ilaw ng kalsada, unti-unting napagtanto niyang iba ang direksyon- Dinala siya ng lalaki sa isang tila tagong lugar sa gitna ng kagubatan. Ilang beses siyang kamuntikang mahulog sa motor dahil sa bilis na paandar ni elion.
K-kuya... Elion, ano pong lugar ito?" ang tinig niya'y nanginginig, halatang nag-aalangan. Ngunit walang sagot si Elion nakatuon lang sa daan.
Ilang minuto ang lumipas bago sila nakarating sa isang bahay sa gitna ng kagubatan-malaki, malamig, at may kakaibang aura ng katahimikan. Habang binubuksan ni Elion ang p***o, bumaling siya kay Annika, at sa liwanag ng loob, ramdam ang kalituhan at takot sa mukha ng bata.
Pagkabukas ng p***o, bumaling si Elion kay Annika na ngayo'y halatang naguguluhan.
"Pasok." utos nito, mababa ang boses pero may kakaibang tindi
Dahil bata, walang muwang sa panganib, at tiwala sa kanyang kasama dahil anak ito ng Tito Ace niya, dahan-dahan siyang pumasok.
Isinara ni Elion ang p***o, at sa sandaling iyon, parang tumigil ang oras. Ang katahimikan ay pilit na pinupuno ng kanyang presensya. Huminga siya bago siya nagsalita, may halong ngisi na hindi kaaya-aya:
"Pakakabahin lang natin ng konti ang mga magulang at kuya mo."
Ang mga mata ni Annika ay lumaki sa takot. Ang salita ni Elion ay tila nakakaistorbo sa hangin-parang banta na hindi niya maintindihan, ngunit ramdam niyang hindi biro. Ang dahan-dahang pagtapak ni Elion sa sahig ay parang bawat tunog na umaalingawngaw sa katahimikan ng bahay.
Inilibot ni Annika ang kanyang mga mata sa buong bahay. Ang sofa ay nasa gitna ng sala, sa kaliwa naman ang kusina. Sa gilid, may dalawang p***o na sa tingin niya ay mga kwarto.
Umupo si Elion sa sofa at may kinuha mula sa ilalim-isang pakete ng sigarilyo.
Umupo siya sa tapat ni Annika. Nanlaki ang mga mata niya sa lalaki, na ngayon ay nag-sisindi ng sigarilyo sa bibig..
"K-kuya Elion... sabi ni Daddy, masama daw sa health ang sigarilyo," sabi niya, halatang nag-aalangan.
Hindi kumibo si Elion. Tila hindi narinig, o sadyang hindi pinansin. Tumingin siya sa relo niya, napapangisi nang bahagya, at saka biglang bumaling kay Annika.
"Ilang taon ka na nga ulit?" tanong niya, malamig ang boses at may bahid ng pang-uusisa na nakakatakot.
"E-eight po," mahina niyang sagot..
Tumango si Elion, parang iniimagine ang bawat detalye ng batang nakaharap sa kanya.
"You've got Ten years, kid....."
"Po??" Naguguluhang Sabi ni annika
"Ten years to live your little life..", ngumisi siya, at ang ngising iyon ay parang naglatag ng malamig na anino sa buong sala. "After that... every second is mine."
Tahimik ang paligid, ngunit ang bigat ng kanyang presensya ay bumabalot kay Annika. Ang kanyang mga mata, hindi mapakali, bawat galaw ni Elion ay parang sinadya
Napakunot ang noo ni Annika, tila hindi pa rin niya maintindihan ang sinabi ng kinikilalang kuya.
"Po?" inosente niyang tanong.
Hindi sumagot si Elion. Tinititigan lang niya si Annika habang dahan-dahang inuubos ang nakasinding sigarilyo, malamig ang titig, parang sinusukat ang bawat kilos ng bata.
Maya-maya, may bumukas na p***o-si Ace.
"Elion!!" mariing tawag ng pumasok, at lumapit, tumitig kay Annika na parang alam na niya ang iniisip ng anak tungkol sa batang iyon.
"Elion... ngayon ang flight mo papuntang Europe para sa college. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, huh?" tanong ni Ace, halatang inis.
"Pwede naman bukas 'yon, diba, Dad? May bisita pa ako," sagot ni Elion, kalmado, halos walang emosyon sa mukha, ngunit may mayamaya gumuhit ang maliit na ngisi na tila naglalaro sa hangin habang hindi inaalis ang tingin kay Annika.
Napalingon si Ace kay Annika.
"Annika, tara... ihahatid na kita," sabi niya, may bahagyang ngiti na, pinapakita ang proteksyon sa bata."Sandali lang..." blangkong sagot ni Elion sa ama, tila nagtatangkang pigilan ang sitwasyon, ngunit ang paraan ng pagtingin niya kay Annika ay manipulative, parang sinusubukan niyang sukatin ang takot at pagkabalisa sa inosenteng mata ni annika..
"Elion, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bata pa siya!" mariing sabi ni Ace, halatang inis.
"I know... wala naman akong ginawa, Dad... wala pa," sagot ni Elion, mahinang tinig ngunit may ngiting may halong banta. Parang nakikipaglaro sa ama niya ng kanyang sariling laro, at ramdam na hindi siya basta sumusunod, kahit alam niya ang limitasyon ng ama.
Huminga nang malalim si Ace, saka bumaling kay Annika.
"Let's go... nag-aalala na si Damien," seryoso niyang sabi, at nag-patiuna na sa paglabas.
Tumayo si Annika, tumalikod, ngunit bago pa siya makahakbang...
"Annika..." tawag ni Elion.
Napalingon siya. Nakatayo na rin si Elion, nakapamulsa, at may matang blangko-walang emosyon, pero punong-puno ng banta. ang hangin sa paligid niya ay tila naging mas malamig..
"Ten years... remember that," paalala niya, malamig ang boses. Para bang inoorasan o binibilang niya ang bawat segundo ng buhay ni Annika.
Dahil bata at walang muwang kung ano ang ibig sabihin nito, marahan siyang tumango. Ngunit sa loob-loob niya, ang utak niya ay umiikot-Ano ibig sabihin ni Kuya Elion? Ten years... para saan?
"O-opo, Kuya Elion..." mahina niyang sagot, at ngumiti. Ramdam niya ang bigat ng mga matang blangko ng lalaki sa likod niya, parang sinusukat ang bawat galaw, bawat hininga. Ang tiwala at pagkilala niya sa kinikilalang kuya ay kasabay ng kaba, at hindi niya maalis ang pakiramdam na siya ay nasa ilalim ng isang banta na hindi niya kayang labanan.
Paglabas ni Annika, naabutan niyang nakasakay na si Tito Ace niya sa motor.
Marahan siyang sumakay sa likod, mahigpit ang kapit sa kinikilalang tito ace na kaibigan ng ama niya habang unti-unti niyang nararamdaman ang bilis ng tibok ng puso niya.
Habang umaandar ang motor, napatingin siya sa bintana ng bahay. Kitang-kita niya si Elion, nakatayo sa loob, nakatingin sa kanila. Ang malamig na titig niya ay parang yelo-walang emosyon, ngunit punong-puno ng banta. Parang iniimbak niya sa isip ang bawat galaw o detalye ng mukha ni Annika.
Sa isang iglap, pinaandar na ni Tito Ace ang motor. Katulad kanina, muntik na namang malaglag si Annika dahil sa biglang bilis ng pag-andar ng motor. Halos mawalan siya ng balanse, ngunit mahigpit parin ang kapit niya.
Ang hangin sa paligid ay tila mas malamig, at sa bawat bilis ng motor, ramdam niya ang adrenaline, takot, at kakaibang tensyon-at hindi niya maiwasang isipin ang malamig na titig ni Elion sa bintana, parang nagbabantay, nagbibilang, at nagmamay-ari ng bawat segundo ng kanyang buhay.
“S-saan mo ako dadalhin?!” takot na takot na sigaw ni Annika..Siya ang unang pinasakay sa motor, at bago pa man siya makapalag, umangkas na ang lalaki sa likod niya. Ang jacket nito ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ni annika paharap, kaya kahit nakaminiskirt siya, walang makikitang anumang parte ng kanyang hita.Nagulat si Annika nang marahas na hinila ni Elion ang kanyang buhok at mariing itinatali..bago pa man niya paandarin ang motor. Halos hindi siya makagalaw sa sakit at biglaang paghawak nito..“A-anong tinatali mo sa buhok ko!?” Napalingon siya. “May panali ako sa bag, yun nala—”“Shut up,” malamig pero mababang sabi nito, halos dumampi ang hininga ng lalaki sa batok niya.Alagang-alaga niya ang buhok niya, pero naramdaman niyang walang ingat ang mga kamay ni Elion. Biglang tumaas ang init ng inis sa dibdib niya.Napapikit si Annika biglang nawala ang kaunting takot. “Serious ka ba? Anong gamit mong panali?” inis niyang sabi, pero pinigilan ang boses na tumaas dahil alam n
Naligo siya at pilit na bumangon, sinusubukang ibalik ang lakas ng katawan kahit hilo pa rin.Pagkatapos ay bumaba siya at naabutan sina Mommy at Daddy sa sala."How’s our young woman?" tanong ni Damien.Pilit siyang ngumiti, itinatago ang discomfort na nararamdaman."Daddy, kailan po ako pwedeng tumira sa suite ko?""Hmm... ang dalaga ko..." halos maiyak na sabi ni Elara, sabay tingin nang masama sa asawang si Damien."Bakit kasi ‘yun ang regalo mo sa kanya? Nakakainis ka!""It’s okay, Elara," sagot ni Damien habang humarap sa anak."No boyfriend pa rin, Annika, huh?"Napasimangot si Annika. Ayan na naman si Daddy — nagsisimula na naman sa topic tungkol sa boyfriend.“Bakit, Daddy? Diba si Mommy maaga mo rin nabuntis?”Tahimik ang buong sala.“Annika!!” sabay na sigaw nina Elara at Damien.Parang sabay silang hindi makapaniwala sa narinig —sa isip nila si Annika, mukhang may binabalak… Nang mag-asawa?Napatingin si Damien, seryoso ang mukha.“Give me your key.”Alam agad ni Annika ku
Dahil sa matinding pagod, mabilis na nakatulog si Annika. Tahimik ang buong silid—tanging mahinang ihip ng hangin mula sa veranda ang maririnig.Maya-maya, dahan-dahang gumalaw ang seradura ng pinto. Unti-unting bumukas ang pinto ng veranda..Mula sa dilim, isang lalaki ang pumasok. Matangkad, matipuno, at tila ba sanay gumalaw nang walang bakas. Sa tulong ng malamlam na liwanag ng buwan, aninag ang malamig na kislap sa kanyang mga mata—mga matang matagal nang naghihintay.Tahimik siyang lumapit sa kama. Umupo sa gilid nito Pinagmasdan niya si Annika na mahimbing na natutulog—ang bawat paghinga, ang bawat bahagyang galaw ng kanyang labi. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha… isang ngiting may init, walang awa.Parang matagal na niyang inaasam ang sandaling ito.At ngayong narito na siya, hindi na siya aalis.“Happy birthday, Annika…” bulong ng lalaki..Sa liwanag ng buwan, tumambad ang kanyang mukha — nakakapanghinayang sa ganda kung hindi lang ito nababalutan ng kakaibang lamig.
Dumating na rin ang araw ng aking debut. Pinilit namin ni Mommy, sinubukan naming ipaliwanag… pero ayaw talaga ni Daddy na isama si Jason sa 18 roses ko.Hinayaan ko na lang. Ngunit sa bawat ngiti ko may tahimik na tampo na nananatili sa puso ko.Huminto ang musika sandali nang magsimulang bumaba sa hagdan ang spotlight sa bulwagan. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin, at ramdam ko ang tuwa at excitement na bumabalot sa buong katawan ko.Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, bawat hakbang ay parang mabigat at magaan sa parehong oras. Ang pink balloon gown ko ay kumikislap sa liwanag, ang mga layers ng tela ay malambot na parang ulap at kumikilos sa bawat galaw ko. Ang bodice ay masikip sa katawan, eleganteng nagha-highlight sa aking balikat at baywang, habang ang skirt ay malawak at malambot, na nagbibigay ng pakiramdam na lumilipad ako sa bawat hakbang.Ang mga maliit na kristal at perlas sa gown ay kumikislap sa bawat sulyap ng ilaw, parang nagdadala ng dagdag na magic sa bawat hakbang.
"Annika, debut mo na 'yan sa Sunday, ganap ka ng dalaga!!" Sabi ni zamaria"Oo... pumunta kayo ha!" Aniya sa mga kaibigan-Ellise, Arabella, at Zamaria."Oo naman, hindi namin palalampasin yan," sagot ni Ara, may ngiti pero halata sa mga mata ang excitement."Sunday din uuwi ang kuya Elion ko, ehh..." Maya-maya, dagdag ni Ellise.Napalingon ako. Biglang kumapit sa aking dibdib ang kaba, at napalunok ako ng malakas. May mga alaala akong bumabalik... malabo man, ngunit malinaw sa pakiramdam. Ang dugo sa kamay ni Elion. Ang tindi ng bawat saksak na ginawa niya sa lalaki... ang sigaw na hindi ko narinig ngunit ramdam ko pa rin."Annika oi!!" puna ni Zamaria, pero parang malayo ang boses niya sa akin.Bigla akong natulala, hindi makapagsalita. Ang ngiti ni Arabella ay parang nang aasar sa akin, pero ramdam ko ang lamig ng alaala na sumasagi sa aking puso."Bigla kang natulala diyan, girl!" sabi niya, may halong pang aasar ."W-wala... may naiisip lang ako...""Ano yun? Share naman!!" Bumali
“Omg! I told you — same outfit, diba!” inis na sabi ni Arabella kay Annika, dahil Hindi Siya Naka palda.Si Arabella ang pinakabata sa apat — turning sixteen pa lang — pero sa kanila, siya na ang parang nagiging leader ng lahat ng kalokohan.May tikas sa pananalita, may kumpiyansa sa bawat ngiti, at kahit bata pa, marunong siyang mag-utos na parang siya ang pinakamatanda sa grupo.Kahit alam ng tatlo na delikado ang mga plano niya, madalas pa rin silang napapasunod — dahil si Arabella, kapag nagsalita, parang laging may kasamang pang-akit at tapang na mahirap tanggihan.“Pinapalitan kasi ni Daddy!” iritableng sagot ni Annika.“Kulang ka sa diskarte, Annika.” natatawang sabi ni Ellise.“Where’s zamaria?” tanong ni Arabella.Maya-maya, natawa siya nang makita si zamaria — katulad din ni Annika, nakapants.“Ang killjoy ng mga daddy niyo!” natatawang sabi ni Arabella.“Wala eh, nahuli ako ni Daddy...” malungkot na sabi ni Zamaria, ang bunso ni Zephyr.“Dapat isiniksik mo sa bag!” natatawa







