Se connecter"Annika, debut mo na 'yan sa Sunday, ganap ka ng dalaga!!" Sabi ni zamaria
"Oo... pumunta kayo ha!" Aniya sa mga kaibigan-Ellise, Arabella, at Zamaria.
"Oo naman, hindi namin palalampasin yan," sagot ni Ara, may ngiti pero halata sa mga mata ang excitement.
"Sunday din uuwi ang kuya Elion ko, ehh..." Maya-maya, dagdag ni Ellise.
Napalingon ako. Biglang kumapit sa aking dibdib ang kaba, at napalunok ako ng malakas. May mga alaala akong bumabalik... malabo man, ngunit malinaw sa pakiramdam. Ang dugo sa kamay ni Elion. Ang tindi ng bawat saksak na ginawa niya sa lalaki... ang sigaw na hindi ko narinig ngunit ramdam ko pa rin.
"Annika oi!!" puna ni Zamaria, pero parang malayo ang boses niya sa akin.
Bigla akong natulala, hindi makapagsalita. Ang ngiti ni Arabella ay parang nang aasar sa akin, pero ramdam ko ang lamig ng alaala na sumasagi sa aking puso.
"Bigla kang natulala diyan, girl!" sabi niya, may halong pang aasar .
"W-wala... may naiisip lang ako..."
"Ano yun? Share naman!!" Bumaling ako kay Ellise, kinikimkim ang kaba sa dibdib.
"Ang kuya mo ba-"
"Gusto mo kasali si kuya elion sa 18 Roses mo?!" putol ni Ellise, nakangisi, halata ang pagka-biro ngunit may halong kilig.
"Hindi!!!" mariing sabi ko..Hindi Naman Yun ang nasa isip ko..
Kaso si Ellise, ang kulit talaga. "Sige, I-chat ko siya mamaya," natatawang sabi niya, halatang enjoy sa pangiinis sa akin.
"Ano ba, Ellise!!" napipikon kong sambit, ramdam ang init sa mukha ko.
Si Arabella at Zamaria sabay tawa sa amin, habang ako ay nagtatangkang maging seryoso... pero hindi ko maiwasang ngumiti sa kakulitan ni ellise..
"Ang gwapo kaya ng kuya ko... Di ka na lugi doon, Annika," biro pa ni Ellise, halatang gustong-gusto talagang ilakad sa akin ang Kuya niya.
Sinimangutan ko nalang Ito..
Maya-maya, may lumapit sa akin.
"Hi, Annika," nakangiting bati sa akin ng kaklase kong si Jayson.
"For you..." inabot niya sa akin ang isang chocolate. Pero bago ko pa man maabot, agad na hinablot ni Arabella at Siya na ang kusang nag abot sa akin.
"Thank you," nakangiting sabi ko, kahit medyo nahihiya at natutulala sa maliit na atensyon.
Pag alis ni Jason, grabeng pangangatyaw ng mga kaibigan ko..
Napabugtong-hininga nalang ako sa kakulitan nila, sabay ngiti. Kahit nakakainis minsan, ramdam ko ang init ng samahan namin at ang kilig ng maliit na sandaling iyon.
Nagkatinginan ang mga kaibigan ko habang nagtatawanan.
"Sino-sino pala ang 18 roses mo, Annika?" tanong ni Ellise, halatang natutuwa sa pagiging lutang ko.
"Oo nga pala... wala pa akong napipili," sagot ko,
Natawa si Ellise, at may halong biro ang boses niya. "Buti kung papayagan ka pang pumili ng Daddy mo."
Sumingit si Ara, may ngiti na halos di maitago, "Isama mo si Jason!"
Hindi ko maiwasang humarap at tumingin kay Jason. Nasa di kalayuan siya, tahimik lang, pero ramdam kong nakatingin din siya sa akin. Matagal na siyang nanliligaw, at ngayon, naramdaman ko na parang mas lalo kong gustong isama siya sa espesyal na araw na ito.
Huminga ako ng malalim, at ngumiti. "Mamaya... kakausapin ko si Daddy. Baka puwede ko siyang isama."
Sa mga kaibigan ko, halata ang excitement at kilig sa kanila. Natawa sila, nagbiro, at alam kong hindi ko maiiwasan ang sariling kabahan sa tuwing naiisip ko si Jason kasama sa 18 roses ko.
Matapos ang mahabang klase...
Lumabas kami sa classroom, at ang init ng hapon ay sumalubong sa amin. Kaunti lang ang tao sa hallway-lahat ay nagmamadali na ring pauwi.
Agad naming tinungo ang parking area kung saan nakapark ang mga sasakyan namin. Nakita ko ang sarili kong service, at sa di kalayuan, nandoon si Jason, nakatingin sa akin habang inaayos ang bag niya sa upuan ng kotse. Para bang tumigil ang oras sa sandaling nagkatitigan Kami at parehong nagkahiyaan.
"Mamaya, kakausapin ko si Daddy... baka puwede ko siyang isama," bulong ko sa sarili habang nakangiti.
Dumating ang dinner Ng pamilya..
Habang nasa hapag-kainan, medyo alanganin akong nagtanong.
"Daddy... sa 18 roses ko, sino-sino po ang napili niyo?"
Tahimik ang paligid sandali. Si Daddy ay nagkunot-noo, tila iniisip ang bawat pangalan.
"Hmmm... me, your four brothers. Then your five uncles... and the rest are just their children," sagot niya, seryoso at mahinahon.
Biglang napasimangot ako.
"Daddy... puwede po mag-singit ng isa?" tanong ko nang may halong kaba at pag-asa.
Biglang huminto ang pagkain ni Daddy, at napatingin siya sa akin. Pati ang apat kong Mga kapatid na lalaki, ganun din, Huminto at tumitig sakin..
"At sino naman 'yung nag-iisang gusto mong isingit?" seryoso niyang tanong, tinutukan ako ng matinding tingin.
"Klasmate ko po, Dad... si Ja-"
"No!" sabay-sabay nilang sagot na lima. Napanganga na lang kami ni Mommy, hindi makapaniwala sa biglaang pag-kontra.
"Damien!!" sita ni Mommy,
"Why Elara?" tanong ni Daddy, halatang naguguluhan at medyo seryoso ang tono.
"Hindi mo dapat hinigpitan si Annika, Damien... dalaga na ang anak mo," dagdag niya, na may halong panghihikayat at concern.
"Eh... ano ngayon kung dalaga na siya? Hindi pa rin siya puwede makipagrelasyon! And that's final!" mahigpit na sagot ni Daddy, hindi nagpapaapekto sa mga argumento.
"Dad... relasyon kaagad?!" halos napatawa ako sa sarili habang tinatangka kong ipaliwanag. "Isasali ko lang siya sa 18 roses ko para sa debut... hindi ibig sabihin boyfriend agad!"
"Doon na din papunta yun.."sabi ni Kuya Clyde, na may ngisi sa labi na parang tuwang tuwa sa pag kontra ni daddy..
Biglang nakaramdam ako ng matinding inis.
"Ayoko na!! Wag na mag debut!" sigaw ko nang may halong pagkadismaya, at dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
Narinig ko pa sa labas ang boses ni Mommy, pinapagalitan si Daddy-tila hindi rin nagustuhan ang desisyon ni daddy..
Pumasok ako sa kwarto, mabilis na isinara ang p***o, at padapang bumagsak sa kama habang umiiyak.
"Nakakainis na sila... Daddy!!" bulong ko sa sarili, halatang galit at frustrated. "Masyado na silang mahigpit sakin!!"
Hawak ko ang unan, at ang mga luha ko ay patak na patak sa kumot. Parang ang lahat ng plano at excitement ko para sa debut ay biglang nawala sa isang iglap, at ramdam ko ang bigat ng pagiging nag iisang babaeng anak sa isang pamilyang puno ng expectations.
"Maglayas kaya ako..." bulong ko sa sarili habang napaupo saglit sa gilid ng kama.
Hindi nagtagal, bumagsak ako pabalik, humiga ng patagilid, at tinakpan ang mukha ko ng unan. Kasi Naman kahit na maglayas ako, alam ko sa sarili ko na halos impossible ang ideya na yun.
"Sa lakas ng impluwensya ni Daddy...
baka ilang oras lang bitbit na niya ako ulit pauwi," sambit ko habang pinipilit pigilan ang sarili ko sa pag-iyak muli.
“S-saan mo ako dadalhin?!” takot na takot na sigaw ni Annika..Siya ang unang pinasakay sa motor, at bago pa man siya makapalag, umangkas na ang lalaki sa likod niya. Ang jacket nito ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ni annika paharap, kaya kahit nakaminiskirt siya, walang makikitang anumang parte ng kanyang hita.Nagulat si Annika nang marahas na hinila ni Elion ang kanyang buhok at mariing itinatali..bago pa man niya paandarin ang motor. Halos hindi siya makagalaw sa sakit at biglaang paghawak nito..“A-anong tinatali mo sa buhok ko!?” Napalingon siya. “May panali ako sa bag, yun nala—”“Shut up,” malamig pero mababang sabi nito, halos dumampi ang hininga ng lalaki sa batok niya.Alagang-alaga niya ang buhok niya, pero naramdaman niyang walang ingat ang mga kamay ni Elion. Biglang tumaas ang init ng inis sa dibdib niya.Napapikit si Annika biglang nawala ang kaunting takot. “Serious ka ba? Anong gamit mong panali?” inis niyang sabi, pero pinigilan ang boses na tumaas dahil alam n
Naligo siya at pilit na bumangon, sinusubukang ibalik ang lakas ng katawan kahit hilo pa rin.Pagkatapos ay bumaba siya at naabutan sina Mommy at Daddy sa sala."How’s our young woman?" tanong ni Damien.Pilit siyang ngumiti, itinatago ang discomfort na nararamdaman."Daddy, kailan po ako pwedeng tumira sa suite ko?""Hmm... ang dalaga ko..." halos maiyak na sabi ni Elara, sabay tingin nang masama sa asawang si Damien."Bakit kasi ‘yun ang regalo mo sa kanya? Nakakainis ka!""It’s okay, Elara," sagot ni Damien habang humarap sa anak."No boyfriend pa rin, Annika, huh?"Napasimangot si Annika. Ayan na naman si Daddy — nagsisimula na naman sa topic tungkol sa boyfriend.“Bakit, Daddy? Diba si Mommy maaga mo rin nabuntis?”Tahimik ang buong sala.“Annika!!” sabay na sigaw nina Elara at Damien.Parang sabay silang hindi makapaniwala sa narinig —sa isip nila si Annika, mukhang may binabalak… Nang mag-asawa?Napatingin si Damien, seryoso ang mukha.“Give me your key.”Alam agad ni Annika ku
Dahil sa matinding pagod, mabilis na nakatulog si Annika. Tahimik ang buong silid—tanging mahinang ihip ng hangin mula sa veranda ang maririnig.Maya-maya, dahan-dahang gumalaw ang seradura ng pinto. Unti-unting bumukas ang pinto ng veranda..Mula sa dilim, isang lalaki ang pumasok. Matangkad, matipuno, at tila ba sanay gumalaw nang walang bakas. Sa tulong ng malamlam na liwanag ng buwan, aninag ang malamig na kislap sa kanyang mga mata—mga matang matagal nang naghihintay.Tahimik siyang lumapit sa kama. Umupo sa gilid nito Pinagmasdan niya si Annika na mahimbing na natutulog—ang bawat paghinga, ang bawat bahagyang galaw ng kanyang labi. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha… isang ngiting may init, walang awa.Parang matagal na niyang inaasam ang sandaling ito.At ngayong narito na siya, hindi na siya aalis.“Happy birthday, Annika…” bulong ng lalaki..Sa liwanag ng buwan, tumambad ang kanyang mukha — nakakapanghinayang sa ganda kung hindi lang ito nababalutan ng kakaibang lamig.
Dumating na rin ang araw ng aking debut. Pinilit namin ni Mommy, sinubukan naming ipaliwanag… pero ayaw talaga ni Daddy na isama si Jason sa 18 roses ko.Hinayaan ko na lang. Ngunit sa bawat ngiti ko may tahimik na tampo na nananatili sa puso ko.Huminto ang musika sandali nang magsimulang bumaba sa hagdan ang spotlight sa bulwagan. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin, at ramdam ko ang tuwa at excitement na bumabalot sa buong katawan ko.Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, bawat hakbang ay parang mabigat at magaan sa parehong oras. Ang pink balloon gown ko ay kumikislap sa liwanag, ang mga layers ng tela ay malambot na parang ulap at kumikilos sa bawat galaw ko. Ang bodice ay masikip sa katawan, eleganteng nagha-highlight sa aking balikat at baywang, habang ang skirt ay malawak at malambot, na nagbibigay ng pakiramdam na lumilipad ako sa bawat hakbang.Ang mga maliit na kristal at perlas sa gown ay kumikislap sa bawat sulyap ng ilaw, parang nagdadala ng dagdag na magic sa bawat hakbang.
"Annika, debut mo na 'yan sa Sunday, ganap ka ng dalaga!!" Sabi ni zamaria"Oo... pumunta kayo ha!" Aniya sa mga kaibigan-Ellise, Arabella, at Zamaria."Oo naman, hindi namin palalampasin yan," sagot ni Ara, may ngiti pero halata sa mga mata ang excitement."Sunday din uuwi ang kuya Elion ko, ehh..." Maya-maya, dagdag ni Ellise.Napalingon ako. Biglang kumapit sa aking dibdib ang kaba, at napalunok ako ng malakas. May mga alaala akong bumabalik... malabo man, ngunit malinaw sa pakiramdam. Ang dugo sa kamay ni Elion. Ang tindi ng bawat saksak na ginawa niya sa lalaki... ang sigaw na hindi ko narinig ngunit ramdam ko pa rin."Annika oi!!" puna ni Zamaria, pero parang malayo ang boses niya sa akin.Bigla akong natulala, hindi makapagsalita. Ang ngiti ni Arabella ay parang nang aasar sa akin, pero ramdam ko ang lamig ng alaala na sumasagi sa aking puso."Bigla kang natulala diyan, girl!" sabi niya, may halong pang aasar ."W-wala... may naiisip lang ako...""Ano yun? Share naman!!" Bumali
“Omg! I told you — same outfit, diba!” inis na sabi ni Arabella kay Annika, dahil Hindi Siya Naka palda.Si Arabella ang pinakabata sa apat — turning sixteen pa lang — pero sa kanila, siya na ang parang nagiging leader ng lahat ng kalokohan.May tikas sa pananalita, may kumpiyansa sa bawat ngiti, at kahit bata pa, marunong siyang mag-utos na parang siya ang pinakamatanda sa grupo.Kahit alam ng tatlo na delikado ang mga plano niya, madalas pa rin silang napapasunod — dahil si Arabella, kapag nagsalita, parang laging may kasamang pang-akit at tapang na mahirap tanggihan.“Pinapalitan kasi ni Daddy!” iritableng sagot ni Annika.“Kulang ka sa diskarte, Annika.” natatawang sabi ni Ellise.“Where’s zamaria?” tanong ni Arabella.Maya-maya, natawa siya nang makita si zamaria — katulad din ni Annika, nakapants.“Ang killjoy ng mga daddy niyo!” natatawang sabi ni Arabella.“Wala eh, nahuli ako ni Daddy...” malungkot na sabi ni Zamaria, ang bunso ni Zephyr.“Dapat isiniksik mo sa bag!” natatawa







