LOGIN"Annika!!" Naiiyak na sigaw ni Elara habang mabilis na niyakap si Annika, na kakababa lang ng motor.
Si Ace at Damien ay bahagyang nagtanguan...
"Hinarang ang kotse nila… tingin ko, balak nilang kidnapin ang anak niyo," sabi ni Ace, seryoso ang mukha.
Tumango si Damien. "Buti na lang kasama niya ang anak mo, Ace… at hindi nakuha si Annika." Nakangiting Sabi ni Damien..
"Asan pala si Elion ngayon?" Dagdag pa nitong tanong.
"Paalis na siya bukas… papuntang Europe," sagot ni Ace.
"Tuloy na talaga," Nangingising Sabi ni Damien,
"Yeah…" sagot ni Ace, habang bahagyang napangiti.
"Ang hirap magpalaki ng anak na matigas ang ulo…" bulong ni ace, napapailing.
"Natawa si Damien… "mahirap talaga magpalaki ng katulad mo,"
"Like father, like son…" dagdag pa nito na kinangisi naman ni ace..
Sa isip ni Ace…
"Parang mas masahol pa ang anak ko kesa sakin… parang mas mapanganib pa,"
Pareho silang may madilim na ugali—isang bagay na ramdam niyang maaaring magdulot ng gulo o kapahamakan sa hinaharap. Ramdam niya ang bigat ng responsibilidad at ang matinding pangamba na hindi lang basta anak ang inaalagaan niya… kundi isang potensyal na kasing-mapanganib niya o higit pa.
Inaya na ni Elara si Annika sa kwarto Pagkatapos makapag pasalamat Kay ace..
Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang maingat na sinusuklay ng ina ang kanyang buhok.
"Mommy… si kuya Elion po… bakit ganon siya?" tanong niya, may bahagyang pangamba sa tinig.
Tumingin si Elara sa kanya, bahagyang umiling. "Wala talaga akong tiwala doon sa kaibigan ng mga kuya mo…"
Napayuko si Annika, pinipigil ang sarili na ikwento sa ina ang nakita niya kanina—kung paano pinatay ng kinikilala niyang Kuya elion ang dalawang lalaki muntik Ng kumuha sa kanya Tuwing naiisip niya iyon, kumakapit ang takot sa kanya.
"Bad…siya, mommy," bulong niya, na may halong kaba, "kasi naninigarilyo na po siya…"
"Oo anak…Kaya wag kana ulit sasama doon" sagot ni Elara, habang bahagyang napapabugtong hininga. "Nagdududa na rin ako sa mga kuya mo…dahil sa barkada nila na yun"
Tumango lang si Annika..
Ilang minuto pa nag paalam na si Elara .
"Sige na, Annika, matulog ka na. Lalabas na si Mommy…"
"Opo, Mommy… good night po," mahina niyang sagot.
Hinalikan siya ng ina sa noo. Tumayo si Elara at pumunta sa veranda para i-lock ang p***o...Nang masigurong lock na Ito dumiretcho na siya sa p***o..palabas .
"Good night, anak," wika nito, saka isinara ang p***o.
Nakahiga na si Annika ngunit hindi makatulog. Paulit-ulit niyang naiisip ang eksena kanina… ang dalawang lalaki, ang… takot.
Marahan siyang umupo, nakaramdam ng pangangailangan mag banyo..
Dahan-dahan siyang bumangon at naglakad papuntang banyo.
Matapos ang ilang minuto sa loob ng banyo..
Paglabas niya mula roon, nagulat siya—ang veranda… nakabukas na ulit. Alam niyang isinara iyon ng mommy niya kanina.
Nakaramdam siya ng takot sa dibdib niya. Gusto niyang bumalik sa kwarto at isara ang p***o, pero may nakita siyang nakalapag doon…
Napatingin siya sa isang piraso ng rose na nakapatong sa railing ng veranda. Marahan siyang lumapit, ramdam ang kakaibang kilabot sa hangin.
Lumipas ang ilang segundo…marahan niyang kinuha ang rose. May maliit na note na nakatago rito, at binasa niya iyon
"Bye for now..my little rose.”
Napakunot ang noo ni Annika, saka bahagyang luminga sa paligid.
Tahimik… walang kahit anong kakaibang ingay o galaw. Ngunit hindi mawala sa isip niya ang note na hawak pa rin niya.Dahan-dahan siyang pumasok muli sa kwarto, mabilis na isinara at isinilid ng maigi ang p***o ng veranda.
Parang gusto niyang siguruhing wala nang kahit anong makapasok — kahit hangin man lang.Kinabukasan…
Bumaba si Annika sa hagdan at agad niyang narinig ang mainit na diskusyon sa sala.
“Clyde, you’ll study in Spain. That’s final. I want you to finish your degree there,” mariing sabi ng kanilang ama.
“Dad, no! I’m old enough to decide where I want to study!” mariing sagot ni Clyde, halatang inis.
Sa gilid naman, si Noah ay nakahiga sa sofa, abala pa rin sa online games na para bang walang naririnig.
Samantalang sina Darius at Damon ay hindi pa lumalabas ng kani-kanilang kwarto.Hindi na bago ang ganitong eksena para kay Annika. Sanay na siya sa sigawan at bangayan sa bahay nila.
Alam niyang may pagkamasungit si Kuya Clyde, pero ramdam din niya paminsan-minsan ang pagiging protective nito sa kanya—lalo na kapag may gustong lumapit sa kanya.Inis na tinalikuran ni Clyde ang ama, halatang masama ang loob.
Nakatagilid si Annika nang dumaan ito sa gilid niya—nakasimangot at matalim ang tingin.“Good morning, Daddy,” bati ni Annika, mahinahon ang boses.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng ama. Mula sa inis, napalitan ito ng ngiti.
“Annika...” he called out lovingly. “Come here, my little princess. Daddy’s in a bad mood because of your brother Clyde. Can you give me a hug?”
“Sure, Dad,” masayang sabi ni Annika sabay lapit at yakap dito.
“Ikaw naman, princess, saan mo balak mag-aral?” tanong ng ama habang hinahaplos ang buhok ni Annika.
“Kahit saan po, Daddy,” masiglang tugon ni Annika, “basta kasama ko sina Zamaria, Arabelle, at Ellise…”
Ang Mga Binanggit niya ang mga pangalan ay mga anak na babae nina Azrael, Ace, at Zephyr..
"Sure anak..."nakangiting Sabi Ng ama..
Lumipas ang sampung taon…
Mas lalo pang umangat ang taglay na kagandahan ni Annika—mga matang kasinglambing ng dati, ngunit ngayon ay may halong misteryo at tikas ng dalaga.
Kasabay ng paglipas ng panahon, dumami rin ang mga palihim na humahanga at nanliligaw sa kanya.Ngunit simula nang tumuntong siya ng labing-pito, naging bantay-sarado siya ng mga lalaki niyang kapatid.
Walang sinumang lalaking naglakas-loob lumapit sa kanya na hindi nasisindak sa mga tingin ng mga kuya niya.“Anong klaseng damit ‘yan, Annika?” tanong ni Kuya Clyde, agad na nakakunot ang noo.
Suot niya ang maong skirt, itim na blouse na hapit sa katawan, at puting sneakers — simple pero bagay sa kanya.
Wash day sa school, kaya lahat ng estudyante ay naka-civilian.“What’s wrong with my outfit, Kuya?” balik ni Annika, bahagyang nakataas ang kilay. “I think it’s sexy and hot!”
“Change your clothes. Now!” singhal naman ni Noah, halatang inis at protective.
Maya-maya, dumating ang ama nila—si Damien.
“What’s happening here?” malamig ngunit may awtoridad niyang tanong.“Dad!!” reklamo agad ni Annika, nakasimangot. “Sina Kuya, pinapapalitan ‘yung suot ko!” nagmamaktol niyang sumbong..
Tumingin si Damien sa kanya, saka napabuntong-hininga. Hindi agad sumagot.
“It’s good naman, diba, Daddy?” sabi ni Annika, umaasang papayagan siya.
Ngunit bigla na lang siyang nainis nang magsalita ito, malamig pero diretso—
“Yeah, it’s good… but change your clothes, Annika. NOW.”seryosong boses ng ama na halatang pag umangal pa siya ay siguradong malalagot siya..“S-saan mo ako dadalhin?!” takot na takot na sigaw ni Annika..Siya ang unang pinasakay sa motor, at bago pa man siya makapalag, umangkas na ang lalaki sa likod niya. Ang jacket nito ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ni annika paharap, kaya kahit nakaminiskirt siya, walang makikitang anumang parte ng kanyang hita.Nagulat si Annika nang marahas na hinila ni Elion ang kanyang buhok at mariing itinatali..bago pa man niya paandarin ang motor. Halos hindi siya makagalaw sa sakit at biglaang paghawak nito..“A-anong tinatali mo sa buhok ko!?” Napalingon siya. “May panali ako sa bag, yun nala—”“Shut up,” malamig pero mababang sabi nito, halos dumampi ang hininga ng lalaki sa batok niya.Alagang-alaga niya ang buhok niya, pero naramdaman niyang walang ingat ang mga kamay ni Elion. Biglang tumaas ang init ng inis sa dibdib niya.Napapikit si Annika biglang nawala ang kaunting takot. “Serious ka ba? Anong gamit mong panali?” inis niyang sabi, pero pinigilan ang boses na tumaas dahil alam n
Naligo siya at pilit na bumangon, sinusubukang ibalik ang lakas ng katawan kahit hilo pa rin.Pagkatapos ay bumaba siya at naabutan sina Mommy at Daddy sa sala."How’s our young woman?" tanong ni Damien.Pilit siyang ngumiti, itinatago ang discomfort na nararamdaman."Daddy, kailan po ako pwedeng tumira sa suite ko?""Hmm... ang dalaga ko..." halos maiyak na sabi ni Elara, sabay tingin nang masama sa asawang si Damien."Bakit kasi ‘yun ang regalo mo sa kanya? Nakakainis ka!""It’s okay, Elara," sagot ni Damien habang humarap sa anak."No boyfriend pa rin, Annika, huh?"Napasimangot si Annika. Ayan na naman si Daddy — nagsisimula na naman sa topic tungkol sa boyfriend.“Bakit, Daddy? Diba si Mommy maaga mo rin nabuntis?”Tahimik ang buong sala.“Annika!!” sabay na sigaw nina Elara at Damien.Parang sabay silang hindi makapaniwala sa narinig —sa isip nila si Annika, mukhang may binabalak… Nang mag-asawa?Napatingin si Damien, seryoso ang mukha.“Give me your key.”Alam agad ni Annika ku
Dahil sa matinding pagod, mabilis na nakatulog si Annika. Tahimik ang buong silid—tanging mahinang ihip ng hangin mula sa veranda ang maririnig.Maya-maya, dahan-dahang gumalaw ang seradura ng pinto. Unti-unting bumukas ang pinto ng veranda..Mula sa dilim, isang lalaki ang pumasok. Matangkad, matipuno, at tila ba sanay gumalaw nang walang bakas. Sa tulong ng malamlam na liwanag ng buwan, aninag ang malamig na kislap sa kanyang mga mata—mga matang matagal nang naghihintay.Tahimik siyang lumapit sa kama. Umupo sa gilid nito Pinagmasdan niya si Annika na mahimbing na natutulog—ang bawat paghinga, ang bawat bahagyang galaw ng kanyang labi. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha… isang ngiting may init, walang awa.Parang matagal na niyang inaasam ang sandaling ito.At ngayong narito na siya, hindi na siya aalis.“Happy birthday, Annika…” bulong ng lalaki..Sa liwanag ng buwan, tumambad ang kanyang mukha — nakakapanghinayang sa ganda kung hindi lang ito nababalutan ng kakaibang lamig.
Dumating na rin ang araw ng aking debut. Pinilit namin ni Mommy, sinubukan naming ipaliwanag… pero ayaw talaga ni Daddy na isama si Jason sa 18 roses ko.Hinayaan ko na lang. Ngunit sa bawat ngiti ko may tahimik na tampo na nananatili sa puso ko.Huminto ang musika sandali nang magsimulang bumaba sa hagdan ang spotlight sa bulwagan. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin, at ramdam ko ang tuwa at excitement na bumabalot sa buong katawan ko.Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, bawat hakbang ay parang mabigat at magaan sa parehong oras. Ang pink balloon gown ko ay kumikislap sa liwanag, ang mga layers ng tela ay malambot na parang ulap at kumikilos sa bawat galaw ko. Ang bodice ay masikip sa katawan, eleganteng nagha-highlight sa aking balikat at baywang, habang ang skirt ay malawak at malambot, na nagbibigay ng pakiramdam na lumilipad ako sa bawat hakbang.Ang mga maliit na kristal at perlas sa gown ay kumikislap sa bawat sulyap ng ilaw, parang nagdadala ng dagdag na magic sa bawat hakbang.
"Annika, debut mo na 'yan sa Sunday, ganap ka ng dalaga!!" Sabi ni zamaria"Oo... pumunta kayo ha!" Aniya sa mga kaibigan-Ellise, Arabella, at Zamaria."Oo naman, hindi namin palalampasin yan," sagot ni Ara, may ngiti pero halata sa mga mata ang excitement."Sunday din uuwi ang kuya Elion ko, ehh..." Maya-maya, dagdag ni Ellise.Napalingon ako. Biglang kumapit sa aking dibdib ang kaba, at napalunok ako ng malakas. May mga alaala akong bumabalik... malabo man, ngunit malinaw sa pakiramdam. Ang dugo sa kamay ni Elion. Ang tindi ng bawat saksak na ginawa niya sa lalaki... ang sigaw na hindi ko narinig ngunit ramdam ko pa rin."Annika oi!!" puna ni Zamaria, pero parang malayo ang boses niya sa akin.Bigla akong natulala, hindi makapagsalita. Ang ngiti ni Arabella ay parang nang aasar sa akin, pero ramdam ko ang lamig ng alaala na sumasagi sa aking puso."Bigla kang natulala diyan, girl!" sabi niya, may halong pang aasar ."W-wala... may naiisip lang ako...""Ano yun? Share naman!!" Bumali
“Omg! I told you — same outfit, diba!” inis na sabi ni Arabella kay Annika, dahil Hindi Siya Naka palda.Si Arabella ang pinakabata sa apat — turning sixteen pa lang — pero sa kanila, siya na ang parang nagiging leader ng lahat ng kalokohan.May tikas sa pananalita, may kumpiyansa sa bawat ngiti, at kahit bata pa, marunong siyang mag-utos na parang siya ang pinakamatanda sa grupo.Kahit alam ng tatlo na delikado ang mga plano niya, madalas pa rin silang napapasunod — dahil si Arabella, kapag nagsalita, parang laging may kasamang pang-akit at tapang na mahirap tanggihan.“Pinapalitan kasi ni Daddy!” iritableng sagot ni Annika.“Kulang ka sa diskarte, Annika.” natatawang sabi ni Ellise.“Where’s zamaria?” tanong ni Arabella.Maya-maya, natawa siya nang makita si zamaria — katulad din ni Annika, nakapants.“Ang killjoy ng mga daddy niyo!” natatawang sabi ni Arabella.“Wala eh, nahuli ako ni Daddy...” malungkot na sabi ni Zamaria, ang bunso ni Zephyr.“Dapat isiniksik mo sa bag!” natatawa







