เข้าสู่ระบบElion Killian Raven, 28, is a ruthless assassin known for his brutality. He kills without hesitation and fears nothing. Yet there is one person he has always watched—Annika Ashwood. Annika, 18, is a sweet, innocent, and spoiled college girl. Since childhood, she has often seen Elion because he is a close friend of her older brothers. She never understood why his eyes always seemed to follow her whenever he visited their home. Elion has always been fascinated by Annika’s innocent face and beauty. When he tells her that he wants her, Annika rejects him. Elion only gives her a warning: she has ten years to enjoy her freedom because when he returns, she will belong to him. Annika thinks he is joking. He is not. Years later, Elion returns and kidnaps Annika, taking her away from her family. He expects a frightened girl, but instead discovers that his captive is impossibly spoiled. She refuses to wash dishes, cries easily, complains about everything, and becomes disgusted whenever something is dirty. For the ruthless assassin, controlling Annika proves more difficult than any dangerous mission. Before returning her to her parents, Elion decides to marry her. But Annika’s parents refuse to accept him. They see him as a dangerous criminal and believe he can never be worthy of their daughter. Elion refuses to give up. He is willing to prove that beneath his violent reputation is a man capable of loving and protecting Annika. Eventually, her parents agree to accept their relationship on one condition: Annika must leave for five years to study abroad. Their separation tests everything they have built together. When Annika finally returns, she must face the question she once avoided—whether she can live without the man who claimed her heart long before she was ready to admit it.
ดูเพิ่มเติมBahagyang nakawang ang p***o ng kwarto ni Noah. Mula sa dilim ng hallway, pilit na sumisilip ang walong taong gulang na si Annika. Malamig ang hangin sa paligid, at may kakaibang tensyong umaaligid na tila nagpapatayo ng kanyang mga balahibo. Bago pa siya makakita ng kahit ano sa loob, biglang bumukas nang malakas ang p***o, lumikha ng isang nakabibinging tunog.
"Go back to your room, Annika," malamig at may tahimik na bantang utos ni Noah. Nakamamatay ang titig nito sa kapatid.
"Pero k-kuya..." Kumuha ng konting lakas ng loob si Annika na muling sumulyap sa dilim ng kwarto. "Ano ba kasing ginagawa niyo?"
Sa likod ni Noah, dahan-dahang lumabas si Clyde—ang pinakapanganay sa kanilang magkakapatid. Mas matangkad, mas madilim ang aura, at tila ba handang mambalot ng takot sa kahit kanino.
"Leave..." mariing utos ni Clyde.
Napaatras si Annika sa matinding takot sa pinakapanganay, ngunit ang kuryosidad ng isang bata ay hindi madaling patayin. Bago tuluyang maitulak ang p***o, tumama ang tingin niya sa gitna ng silid.
Doon nakaupo si Elion.
Ang labing-pitong taong gulang na anak ni Tito Ace ay nakatitig nang diretso sa kanya. Walang kurap. Malamig. Walang bakas ng kahit anong emosyon o buhay ang mga mata nito—para itong isang nakatatakot na estatwa. Ngunit habang nakatitig kay Annika, dahan-dahang gumuhit ang isang nakakakilabot at mapaglarong ngisi sa mga labi nito. Isang matinding kilabot ang agad na gumapang mula sa ulunan ni Annika hanggang sa kanyang mga paa.
"Creepy naman 'nun..." bulong niya sa sarili, habang nanginginig ang kanyang maliit na boses.
"Alis na!" sigaw ni Noah sabay bagsak ng p***o na halos yumanig sa buong palapag. Sa gulat at inis, dinilaan ito ni Annika bago patakbong lumayo.
Habang bumababa sa hagdan, narinig niya ang ingay mula sa kabilang kwarto kung saan nakatago rin nina Darius at Damon ang iba pang mga anak ng kaibigan ng ama niya. Tila may malaking sikretong ikinukubli ang mga lalaki sa bahay na iyon.
"Ang hirap talaga pag mag-isa ka lang na babaeng anak... puro lalaki pa ang kapatid mo, masusungit pa," muling bulong ni Annika sa sarili habang pilit na pinapawi ang kaba. "Ramdam na kita, Arabella..."
Paghakbang niya sa malawak na sala, nakita niya ang kanyang daddy na si Damien na nakaupo habang may binabasang mga papeles.
"Daddy... pwede po ba akong pumunta kila Ellise?" tanong niya, pinipilit na gawing mahinahon ang boses upang hindi halatang nanginginig pa siya sa takot kanina.
Sumulyap si Damien sa kanyang orasan bago tumingin sa anak. "Hmm... I can't take you there, kid. Daddy's a bit busy... Do you want to ride with your brother Elion when he heads home?"
"Sige po, Daddy! Maghahanda lang po ako!" excited na sagot ni Annika, sabik na makalayo sa nakatatakot na atmospera ng bahay, at patakbong bumalik sa itaas para kumuha ng kanyang gamit.
Ngunit sa pag-akyat niya pabalik sa hallway, tumapat siya sa p***o at sakto namang lumabas si Elion mula sa kwarto ni Noah.
Napatigil si Annika sa paglakad. Naglakad si Elion patungo sa kanya. Ang bawat hakbang nito ay tahimik ngunit may kasamang mabigat na presensya. Ang mga mata nito ay parang sa isang hunted predator blangko ngunit nag-uumapaw sa panganib. Nang makitang nakatitig ang bata, lalong lumapad ang misteryoso at nakakatakot na ngisi sa mukha nito. Nilagpasan niya si Annika na tila ba isang hangin lang ito.
Nanginginig na pilit na tumawag si Annika. "K-kuya... Elion..."
Huminto si Elion sa dulo ng hagdanan. Dahan-dahan itong lumingon. Walang kahit anong emosyon sa mukha.
"S-sabi ni D-daddy, sabay daw ako sa'yo ehh. Pupuntahan ko kasi si Ellise..."
Bumalik ang nakatutulalang titig ni Elion sa kanya. Ilang segundong napuno ng katahimikan ang buong hallway. Ramdam ni Annika na tila ba tinitimbang nito ang kanyang buhay.
"Hurry..." malamig nitong bitaw bago dire-diretsong bumaba.
"Wait mo lang po ako sa sala... saglit lang po..." habol na sabi ni Annika, ngunit hindi na ito lumingon pa.
Lumipas Ang ilang sandali nang makaalis na Sila annika at Elion..
Sa ibaba, sa kabilang bahagi ng bahay, hindi mapakali ang ina ni Annika na si Elara.
"Damien! Bakit pinayagan mong umalis si Annika kasama 'yung Elion na 'yun?!" hiyaw ni Elara, halos mabasag ang boses sa galit, takot, at matinding kaba habang mabilis na lumalapit sa asawa.
"Bakit, Elara?" tanong ni Damien, pilit na pinapagaan ang tono kahit halatang naguguluhan sa reaksyon ng asawa.
"Anong bakit?! Babae 'yung anak mo, Damien!" sigaw ni Elara. Napahawak siya sa kanyang dibdib na halos sumabog sa pabilis nang pabilis na kabog.
Natawa nang bahagya si Damien at umiling. "Don't worry, Elara. May tiwala ako. Kaibigan natin si Ace Ang ama ni Elion."
"Ako? Wala akong tiwala sa Elion na yun!" putol ni Elara, hindi magawang kumalma.
Lumapit si Damien at dahan-dahang hinawakan ang balikat ng asawa. "Okay lang si Annika, Elara. Mababait ang mga anak ni Ace. Kilala natin ang pamilya nila."
Nanahimik si Elara pero lalong tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib. Hindi ito simpleng pag-aalala ng isang protective na ina. May mali. May napakadelikado at masamang aura ang binatang iyon na tila siya lang ang nakakaramdam bilang babae at bilang ina, si Elion Raven ay isang Psychopath mana sa Ama nitong si Ace.
"Tawagan mo ang kaibigan mo... tanong mo kung nandoon na si Annika," nanginginig na utos ni Elara.
Napabuntong-hininga si Damien, ginagap ang kamay ng asawa. "Elion is 18 years old. Kaya niyang protektahan si Annika kung may mangyari man sa daan," sabi niya sabay kabig kay Elara para yakapin ito nang mahigpit.
Ngunit mas lalong nagwala ang dibdib ni Elara. Ang mismong "proteksyon" na sinasabi ni Damien ang kinatatakutan niya. Kay Elion mismo siya natatakot—sa tago nitong galit at sa mga matang walang pakiramdam.
"Damien, tawagan mo. Ngayon na! Huwag mo na akong daanin sa yakap!" utos ni Elara, napabuntong-hininga habang lumalayo nang kaunti.
Napilitan si Damien na kunin ang telepono sa kanyang bulsa at idial ang numero ni Ace. Nag-ring ito nang ilang beses... isa... dalawa... tatlo. Nang wakas ay sumagot si Ace, ngunit habang nakikinig si Damien sa boses mula sa kabilang linya, dahan-dahang nawala ang kulay sa kanyang mukha.
Agad siyang napatayo mula sa kinauupuan. Tumayo ang lahat ng balahibo niya sa narinig.
"Anong... wala pa?! Ace! Kanina pa sila umalis dito! Halos isang oras na!" sigaw ni Damien, dumagundong ang boses sa buong bahay habang pumasok ang matinding takot at alarma sa utak niya.
"Damien!!" napaatras si Elara, maiyak-iyak na napahawak sa kanyang mukha habang ang pinakamatinding hinala niya ay nagsisimula nang magkatotoo.
"Wait, Elara! Calm down!" sigaw ni Damien habang pabilis nang pabilis ang kabog ng sarili niyang dibdib, halos manginig ang kamay na hawak ang telepono.
Samantala...
Sa isang madilim, liblib, at secluded na kalsada kung saan walang gaanong dumadaan na sasakyan, nanginginig at nakatutop ang dalawang kamay ni Annika sa kanyang bibig. Ang puso ng bata ay parang mawawasak sa matinding gulat at horror.
Sa harapan ng kotse, nakahandusay sa kalsada ang driver nila duguan, wala nang buhay, at nakamulat pa ang mga mata matapos unang saksakin sa leeg ng dalawang armadong lalaki na humarang sa kanila kanina.
Ngunit hindi ang mga humarang ang totoong halimaw sa eksenang iyon.
Nakatayo sa gitna ng duguan at madilim na kalsada si Elion. Ang mga kamay nito ay puno ng sariwang dugo na umaagos hanggang sa kanyang mga daliri habang hawak ang isang mahabang kutsilyo na nakuha niya sa isa sa mga umatake. Sa paanan nito ay ang dalawang lalaking humarang—parehong wala nang buhay, tadtad ng malalalim na saksak sa dibdib at mukha.
Walang kabagut-bagut na ipinunas ni Elion ang may dugong kutsilyo sa damit ng isa sa mga bangkay, parang sanay na sanay na mamamatay-tao. Walang kahit anong kaba sa kanyang mga kilos.
Dahan-dahang bumaling ang tingin ni Elion sa loob ng kotse... diretso kay Annika.
Walang takot. Walang galit. Walang pagsisi. Blanko lamang. Isang nakakakilabot na kawalan ng emosyon at humanidad.
Nilapitan ni Elion ang motor na iniwan ng mga humarang. Sumakay ito doon at pinaandar. Saka siya bumaling muli sa tulala at nanginginig na bata na nakakulong sa takot sa loob ng sasakyan.
"Sasakay ka... o iiwanan kita dito kasama ng mga bangkay?" malamig at walang emosyon nitong tanong.
Ang boses ni Elion ay walang bahid ng pag-aalala, ngunit ang titig nito ay naglalaman ng isang nakamamatay na banta. Naparalisado si Annika sa kanyang kinauupuan, hindi maigalaw ang kahit isang daliri habang tumutulo ang kanyang mga luha.
Sa mga mata ng 18 taong gulang na binata, naramdaman ng walong taong gulang na bata ang isang purong kadiliman isang halimaw na walang awa. At habang nakatitig sa duguang kamay ni Elion, pumasok sa utak ni Annika ang pinakamababagsik at pinakanakakatakot na katanungan:
Ipinagtanggol ba siya nito mula sa mga masasamang tao... o mas delikado ang halimaw na kasama niya ngayon?
“S-saan mo ako dadalhin?!” takot na takot na sigaw ni Annika..Siya ang unang pinasakay sa motor, at bago pa man siya makapalag, umangkas na ang lalaki sa likod niya. Ang jacket nito ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ni annika paharap, kaya kahit nakaminiskirt siya, walang makikitang anumang parte ng kanyang hita.Nagulat si Annika nang marahas na hinila ni Elion ang kanyang buhok at mariing itinatali..bago pa man niya paandarin ang motor. Halos hindi siya makagalaw sa sakit at biglaang paghawak nito..“A-anong tinatali mo sa buhok ko!?” Napalingon siya. “May panali ako sa bag, yun nala—”“Shut up,” malamig pero mababang sabi nito, halos dumampi ang hininga ng lalaki sa batok niya.Alagang-alaga niya ang buhok niya, pero naramdaman niyang walang ingat ang mga kamay ni Elion. Biglang tumaas ang init ng inis sa dibdib niya.Napapikit si Annika biglang nawala ang kaunting takot. “Serious ka ba? Anong gamit mong panali?” inis niyang sabi, pero pinigilan ang boses na tumaas dahil alam n
Naligo siya at pilit na bumangon, sinusubukang ibalik ang lakas ng katawan kahit hilo pa rin.Pagkatapos ay bumaba siya at naabutan sina Mommy at Daddy sa sala."How’s our young woman?" tanong ni Damien.Pilit siyang ngumiti, itinatago ang discomfort na nararamdaman."Daddy, kailan po ako pwedeng tumira sa suite ko?""Hmm... ang dalaga ko..." halos maiyak na sabi ni Elara, sabay tingin nang masama sa asawang si Damien."Bakit kasi ‘yun ang regalo mo sa kanya? Nakakainis ka!""It’s okay, Elara," sagot ni Damien habang humarap sa anak."No boyfriend pa rin, Annika, huh?"Napasimangot si Annika. Ayan na naman si Daddy — nagsisimula na naman sa topic tungkol sa boyfriend.“Bakit, Daddy? Diba si Mommy maaga mo rin nabuntis?”Tahimik ang buong sala.“Annika!!” sabay na sigaw nina Elara at Damien.Parang sabay silang hindi makapaniwala sa narinig —sa isip nila si Annika, mukhang may binabalak… Nang mag-asawa?Napatingin si Damien, seryoso ang mukha.“Give me your key.”Alam agad ni Annika ku
Dahil sa matinding pagod, mabilis na nakatulog si Annika. Tahimik ang buong silid—tanging mahinang ihip ng hangin mula sa veranda ang maririnig.Maya-maya, dahan-dahang gumalaw ang seradura ng pinto. Unti-unting bumukas ang pinto ng veranda..Mula sa dilim, isang lalaki ang pumasok. Matangkad, matipuno, at tila ba sanay gumalaw nang walang bakas. Sa tulong ng malamlam na liwanag ng buwan, aninag ang malamig na kislap sa kanyang mga mata—mga matang matagal nang naghihintay.Tahimik siyang lumapit sa kama. Umupo sa gilid nito Pinagmasdan niya si Annika na mahimbing na natutulog—ang bawat paghinga, ang bawat bahagyang galaw ng kanyang labi. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha… isang ngiting may init, walang awa.Parang matagal na niyang inaasam ang sandaling ito.At ngayong narito na siya, hindi na siya aalis.“Happy birthday, Annika…” bulong ng lalaki..Sa liwanag ng buwan, tumambad ang kanyang mukha — nakakapanghinayang sa ganda kung hindi lang ito nababalutan ng kakaibang lamig.
Dumating na rin ang araw ng aking debut. Pinilit namin ni Mommy, sinubukan naming ipaliwanag… pero ayaw talaga ni Daddy na isama si Jason sa 18 roses ko.Hinayaan ko na lang. Ngunit sa bawat ngiti ko may tahimik na tampo na nananatili sa puso ko.Huminto ang musika sandali nang magsimulang bumaba sa hagdan ang spotlight sa bulwagan. Lahat ng mata ay nakatuon sa akin, at ramdam ko ang tuwa at excitement na bumabalot sa buong katawan ko.Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, bawat hakbang ay parang mabigat at magaan sa parehong oras. Ang pink balloon gown ko ay kumikislap sa liwanag, ang mga layers ng tela ay malambot na parang ulap at kumikilos sa bawat galaw ko. Ang bodice ay masikip sa katawan, eleganteng nagha-highlight sa aking balikat at baywang, habang ang skirt ay malawak at malambot, na nagbibigay ng pakiramdam na lumilipad ako sa bawat hakbang.Ang mga maliit na kristal at perlas sa gown ay kumikislap sa bawat sulyap ng ilaw, parang nagdadala ng dagdag na magic sa bawat hakbang.






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.