Pagkatapos kong kumain, kinuha ko ang bag ko at sumunod kay Rafa palabas ng mansion. Maaga pa kaya malamig pa ang hangin, at halos wala pang tao sa labas habang naglalakad kami papunta sa driveway. Hawak ko pa rin ang kape ko habang si Rafa naman ay abala sa pag-unlock ng kotse niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa sasakyan niya, then at him, wondering why everything felt so normal between us. Kagabi lang, malinaw niyang sinabi na malaking pagkakamali ang nangyari sa amin at hindi na iyon dapat maulit, pero ngayong umaga, he was acting like we were simply two people having breakfast before going about our day.Pagdating namin sa kotse, binuksan niya ang backseat at tumingin sa akin. “Diyan ka sa likod umupo, Althea. Mas comfortable at mas safe para sa’yo, lalo na't maaga pa at medyo mahaba ang biyahe natin.”Tiningnan ko ang bukas na pinto sa likod bago ko siya tiningnan. “Bakit naman ako sa likod? Hindi naman ako bata na kailangang ilagay sa backseat. Besides, mas gusto kong nasa ha
Última actualización : 2026-09-21 Leer más