Halos buong umaga kaming naglibot sa ilang condo buildings, at sa totoo lang, hindi ko na alam kung ilang lobby, hallway, at sample units na ang napasok namin. Sa bawat lugar, may napapansin akong mali. Masyadong maliit ang living room, pangit ang view, malayo sa restaurants, walang magandang pool, o kaya naman sobrang tahimik na parang walang buhay ang buong building. Hindi naman ako maarte. May standards lang ako, at mukhang napapagod na si Rafa sa standards kong iyon.“Okay, last one,” sabi niya habang papasok kami sa isa pang elevator. Nakasandal siya sa gilid habang pinipindot ang floor number, at kahit halatang pagod na rin siya, kalmado pa rin ang expression niya. “After this, we go home.”Napalingon ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niyang halatang seryoso. “Bakit parang galit ka na?”Bahagya siyang napailing habang nakatingin sa nagbabagong numbers ng elevator. “I'm not angry.”“Sure?” Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinaasan siya ng kilay, kunwari hindi ako kumbinsido.
Last Updated : 2026-09-28 Read more