Kinabukasan, pasado alas-singko na ng hapon nang tuluyan akong makauwi sa mansion. Pagkapasok ko pa lang sa living room, agad kong nakita sina Daddy at Mara na magkatabi sa sofa habang may pinag-uusapang kung ano sa tablet ni Daddy. Nang mapansin nila ako, sabay silang napatingin, at base pa lang sa ekspresyon ni Daddy, alam ko nang may naghihintay na naman sa akin.“Thea,” tawag niya habang inilapag ang tablet sa mesa. “Do you mind explaining why I had to hear from Bea that you slept over at their house?”Napabuntong-hininga ako at ibinaba ang bag ko sa tabi ng sofa. “Daddy, sinabi ko naman kay Bea na doon ako matutulog. Hindi naman ako basta nawala.”“I know,” sagot niya, pero hindi nawala ang seryosong tingin niya. “Ang problema ko, anak, hindi kung saan ka natulog. Ang problema ko, bakit kailangan ko pang malaman sa ibang tao? You could've simply called me and told me you're staying there.”Umupo ako sa tapat niya at bahagyang sumandal. “Sorry. Biglaan lang talaga. Nag-usap kami n
Last Updated : 2026-10-05 Read more